Mga Pahina

Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Pampelikula


Rebyu
Suring pampelikula
pagpag
siyam na buhay
                                “Dapat nagpagpag ka ! Baka masundan ka ng patay dito”. Kadalasang linya ng mga matatanda dahil sa paniniwala nila sa mga pamahiin. Karamihan sa mga pamahiin ay patungkol sa mga pumanaw nang mga nilalang. Naniniwalang bawal suwayin ang mga sumusunod : Ilan na lamang sa mga ito ay bawal magsalamin habang nasa burol, Bawal mag-uwi ng pagkaing mula sa burol, Bawal patakan ng luha ang kabaong ng namatay, bawal kumuha ng pera mula sa mga nag-abuloy sa patay.  Mula sa panulat at direksiyon ni Frasco S. Mortiz, Muli niyang binuhay ang aking imahinasyon sa mga bagay na ito. Nakasuot ng pulang damit si Empress sa kanyang pagpunta sa burol ng kanyang pumanaw na boyfriend na si Enchong. Sumiklab ang galit ng mga magulang ni Enchong sa kanyang pagdalaw dahil sa paniniwalang siya ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak. Napansin din nila ang kasuotan nitong pulang damit na ikinagalit pa nila ng husto. Bawal magsuot ng kulay pula habang ikaw ay nagluluksa pa kung kaya’t  siya’y pinalayas mula sa burol. Sa kanyang pag-uwi, may naramdaman siyang kakaiba na tila siya ay may kasama kahit wala naman. Hindi niya alam ay nasundan na pala siya ng kanyang pumanaw na Boyfriend dahil hindi siya nagpagpag. Nakita niya na lamang ang boyfriend niya na nagpatiwakal na iyon pala ang dahilan ng pagkamatay nito. Kailangan mo munang pumunta sa ibang lugar upang hindi ka masundan ng patay. Ito ang pagpag. Maganda ang nakakasindak na mga pangyayari sa palabas na ito. Lubos pang tumaas ang mga nakasisindak na bahagi sa pagpasok ng mga karakter nina :  Leny (Kathryn Bernardo)- Katulong ng kanyang Tsong sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo, Funeral Service. Kung saan sila ng kanyang Tsong ang nageembalsamo, magmamake-up ng patay at sila na din ang bahala sa pagseset-up ng mga kagamitan para sa burol. Naging mas kapanapanabik ang pelikula sa pagpasok ni Cedrick (Daniel Padilla) at ang kanyang mga kaibigang sina Hannah (Michelle Vito) Ashley (Miles Ocampo) Justin (CJ Navato) at Rico (Dominic Roque). Sila ang mga sumuway sa mga pamahiin sa kanilang aksidenteng pagdalaw sa burol ng asawa ni Lucy (Shaina Magdayao)  na si Roman (Paulo Avelino). Hindi sila pamilyar sa mga pamahiin ng mga nakatatanda . Lubos na nagalit si Eva (Matet De Leon) ang nakatatandang kapatid ni Shaina dahil napakaraming sinuway ng magkakaibigang ito. Ang mga ginawa nila ay siya ring dahilan ng pakamatay nila dahil sa kanilang pag-uwi ay nasundan sila ng patay. Si Leny at Cedrick ang nakalutas ng misteryo sa likod ng kababalaghang nagyayaring ito dahil ang asawa ni Shaina ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa hangga’t hindi pa siya nakakapatay ng siyam na tao. Lubos kong naintindihan ang daloy ng pelikulang ito. Base rin kasi sa mga ibang mga horror films, minsan hindi ko naiintindihan ang daloy nito. Ngunit maayos ang mensahe ng Pagpag. Nais nitong ipabatid sa mga manonood na masamang magmahal ng labis. Gaya ni Roman at Lucy, Lubos ang kanilang pagmamahalan. Kung kaya’t  nagawa pa nilang kumitil ng maraming buhay at makipagugnayan sa mga itim na elemento upang mabuhay pa rin si Roman. Natuklasang anak pala nila si MacMac (Clarence Delgado) na inaakalang patay na sa sunog ngunit nakuha ng mga magulang ni Leny si Macmac at inalagaan. Sa huli, nanaig pa din ang katotohanan na hindi na maaring maibalik ang buhay ni Roman at dapat manahimik na ang kanyang kaluluwa. Kung  Sinematograpiya ang bibigyan ng pansin, maganda rin ang mga lugar na kanilang ginamit para sa pelikula na siyang nagdagdag ng nakakatakot na mga pangyayari na sinabayan pa ng mga nakasisindak na musika. Nanaig ang pag-big at paniniwala sa pagtanggap kung may nawala mang tao sa ating buhay, dapat natin itong tanggapin at dapat manaig pa din sa atin ang pang-unawa, pag-ibig at pag-asa.


Suring Basa

 Suring Basa
Rebyu
Love mo siya, Sure ka ba ?

                 
               “Yung pag bibili ka sa canteen, mukha niya sa pinggan ang nakikita mo”. Isa sa mga pamosong linya ng aking aklat na nabasa mula sa malikhaing imahinasyon ni Ronald Molmisa. Isang Head Pastor ng Generation 3:16 Ministries, isang organisasyong ang pokus ay sa mga kabataan. Lubos niyang pinag-aralan ang mga katangian ng mga kabataan pagdating sa pag-aaral, pamilya at lalong lalo na sa pag-ibig.  Pumatok ang kanyang unang aklat na Lovestruck Singles Edition. Kung kaya’t tumaas ang pagkagusto ng mga kabataang magrelease pa siya ng isang aklat kung saan ang binibigyang pansin ay ang mga kabataang nasa relasyon na, yung mga gustong maglevel up yung Frienship nila, at yung mga kabataang laging linya ay – Kendisbilab ? at Siya na ba talaga ang da one? Ngunit, binasag ni Ronald Molmisa ang trip ng mga kabataang ito sa pagbato ng kanyang bagong edisyong Lovestruck ka? Love mo siya, Sure ka ba ? Bidang bida sa kanyang aklat ang lubos nilang pagmamahalan ng kanyang asawang si Gigi mula noong sila’y  nagliligawan pa lamang. Ito ang kanyang  inihalimbawa sa isang relasyong may basbas ng mga magulang hindi gaya ng mga kabataang pumasok sa relasyong hindi pa nga alam kadalasan ng kanilang mga magulang ang mga pinagagagawa nila. Malinaw niyang nailarawan ang iba’t-ibang uri ng mga kabataang nasa isang relasyon. Yung iba, tipong sa kanto lang ihahatid dahil sa isang batalyong kamag-anak ang nahihintay sa covered court kapag nakitang may boyfriend ang kanilang anak. Yung iba naman mga relasyong hindi naman nagtatagal dahil sa iba’t-ibang factors na madaling magsawa ang mga kabataan. Ngunit mas ipinadama niya sa kanyang aklat kung gaano tayo kamahal ng Panginoon at bilang kabataan, Mas dapat ilapit natin ang ating mga  sarili sa kanya dahil mas Sure yung pagmamahal niya sa atin. Inilahad ni Ronald Molmisa ang tamang  pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Ang paghihintay sa tamang panahon ay isa sa mga sangkap nito. Tampok ang maigsing bahagi ng kanyang akda ang love story nina Rachel and Jacob. Si Leah ay nakatatandang kapatid ni Rachel. Nakatakdang ikasal si Jacob kay Leah ngunit hindi niya naman ito mahal. Ngunit sa paniniwala sa matandang tipan sa bibliya, mas unang dapat mag-asawa ang panganay na babae. Ngunit dahil sa pagmamahal ni Jacob kay Rachel, nag-antay siya ng labing apat na taon  upang makuha niya na ang kamay ni Rachel. At nangyari nga ang the best wedding ever  ng lovestory nila. : Kaya mo bang maghintay ng ganun katagal para sa taong mahal mo?” Mahusay na nailahad ng may akda ang kanyang mga aral na nais niyang ipabatid sa bawat kabataang babasa nito. At higit sa lahat, Kung gaano kalaki ang Pagmamahal ng Diyos para sa bawat kabataan dahil si Lord ang FIRST AND ENLESS LOVE. Pag si Lord ang karelasyon mo, YOU HAVE THE GREATEST LOVE AFFAIR <3

Miyerkules, Pebrero 26, 2014

JS Prom

Pebrero 14, 2014
 Araw ng mga puso ngayon. Ang bilis ng mga nagdaang araw at JS Prom na pala namin. Hindi ko din masyadong dama at sakto lang naman ang pagkaexcited ko. Haha :) Pero sabi nga nila, minsan lang saw ito dumaan sa buhay ng isang kabataang gaya ko. Hmmmm -.- Fast forward na tayo ha? Ayun, dumiretso kami sa parlor kasi wala namang marunong mag-ayos sa amin eh. Mabuti na lang at kakaunti lang ang tao. Ayun, Make-up, Ahit daw ng kilay, Paayos ng buhok at kung anu ano pang Chorva ! ?Haha ayun ! Tapos ang sweet ni Parts (Corpuz) Sinundo nya pa ko sa parlor. Haha at sabay kaming pumunta sa school. Late na pala kami. Lahat sila nakapasok na tapos kami na lang pala ang wala sa linya ng mga bibigyan ng sash. Pambihira ! -.-

Martes, Pebrero 11, 2014

Salamat sa mga Compliments :)

Pebrero 11, 2014
 Isa sa mga masayang bagay bilang kabataan ay mabigyan ng papuri ng mga tao. Napakasaya naming buong grupo sa lahat ng mga papuring ito. Ngunit isang malaking hamon din para sa amin ang mga responsibilidad na mga nakaatang sa aming lahat. Breaktime ng inanounce ni Ate Cagas sa mga pang-umaga ang mga nanalo. Dahil kagabi ay tapos na namin sa mga panghapon. Mas dumami ang bumati sa amin at lubos ang aming pasasalamat sa kanilang lahat. Nagpakuha si Sir Beltran ng litrato kay Gng. Mixto kasama kami ng mga bagong opisyales at ang aming SSG Adviser.
 Uwian na at sabay- sabay kaming pumunta sa bahay ni Mark Marasigan dahil nagluto kami ng pansit para sa mga SSg officers at sa mga tumulong sa pagbibilang noong eleksyon. Binigyan din namin ang mga Chairman at si Sir Beltran sa office :) Medyo epic fail yung pansit.


BABALA: Hindi lahat ng pagkaing mukhang masarap ay LIGTAS KAININ.

Kami na ba ? :)

Pebrero 10, 2014
 Kami na ba ? Kami na nga ba?
 Maaga akong pumasok ngayon kasi may Flag Ceremony kami ngayon. At usual kailangang maggalitgalitan kunwari para hindi palaging malate ang mga estudyante. Pagkatapos ay nag-uasap kaminhg mga SSG Officers tungkol sa bilangan ng mga boto namin para mamaya at nagpakuha muna kami ng litrato para sa aming dokyumentasyon. Pagkatapos ay pumasok na kami sa aming mga silid. Nakakatuwa dahil ilan sa mga guro ay naghihintay din ng resulta ng aming mga boto ngunit mamayang hapon pa din namin malalaman eh :)
 Pagdating ng hapon ay ipinagpatuloy namin ang bilangan. Alas sais din kami natapos ! At ayuuun :) Inanounce na ni ate Claudette Cagas ang mga nanalo sa eleksyon :) 1,235 ang boto na nakuha ko <3 nakakaiyak po. HAHA. At lahat kaming #SELFIE group ay nanalo at wala sa aming natanggal.

Salamat Lord at Kami na ! Kami na ngang Selfie group ang nanalo ! 

Happy 9th Anniversarry ACF

Pebrero 9, 2014
 Yuhooo ! Linggo na po :) Ang saya siyam na taon na kami at patuloy pa din ang paglago ng bawat isa. Bigatin mga bisita namin ngayon sa church. HAHA. Sina Kapitan Marlon Zingapan, Sir Rey Morato at iba pa nilang kasama sa barangay ay kasama namin ngayon sa church. Sila ay pinanalangin ng aming mga pastor. Ang tema namin para sa taong ito ay "Advancing the Gospel to God's Territory". Kaya katuwang na din ang ating kapitan ay maabot namin  ang silita ng Diyos sa Barangay Mambugan. Pagkatpos ng aming panambahan ay nagkaroon kami ng salu-salo :)

Revival night !

Pebrero 8, 2014
 Nakakapanabik ang mga mangyayari ngayong araw na ito ! Nagprakrtis muna kami ng Praise and worship nila Teacher Raquel. Tapos natatawa kami kasi late na kami natapos sa praktis at malapit na yung revival. Haha. Ngayong gabi ay may gawain kasi kami ngayon sa simbahan. Bukas kasi 9th anniversaryna kasi ng church namin. Bago kasi kami nagdidiwang ng anibersaryo ay nagkakaroon kami ng revival night. Ang speaker namin ngayong gabi ay si Pastor Reuel Gomez. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya na-- "Revival is not an event, It's a process". Tapos marami pa po akong natutunan kung kaya't napaiyak ako ng bongga ! HAHA

Eleksyon :)

Pebrero 7, 2014
 This is it ! Pansit ! Haha. Eleksyon na pooooo ! Kinakabahan talaga kami ng aking mga kagrupo para sa resulta. Pero mukhang madaming magagandang feedbacks na aming narinig. Inabot lahat ng SSG officers ng hanggang ikapito ng gabi ngunit hindi parin tapos ang bilangan at hindi padin alam ang mga nanalo. Kaya, pagpapatuloy namin ito sa Lunes :)

Pangalawang araw ng kampanya !

Pebrero 6, 2014
 Ngayong araw na ito ay ng pangalawang araw ng aming kampanya. Masaya dahil kaunti na lamang ang aming aasikasuhin namin ngayon ! Haha. Kawawa namin kami dahil palagi kaming excuse sa lahat. Pero ayun, muli napagtagumpayan namin lahat ng ito. Medyo nakakasindak ang grupong #G2B :) HAHA

Uanag Araw ng kampanya :)

Pebrero 5, 2014
 Yahoo ! Medyo kinakabahan kami ngayon ng aking mga kapatrtido para sa aming unang araw ng kampanya namin. Bago ang lahat ay inexcuse muna kami ng pangalawang subject at nagplano na kami. Tapos ayun na ! Naghanda na kami para sa aming mga cheer at lahat ng mga kailangan naming gawin. At pinangunahan ko sila para sa panalangin.Grabe, mga Alas sais na din kami nakauwi ng gabi :) Pero ok lang din dahil matagumpay ang unang araw namin pero hindi pa namin tapos ang iba pang mga classrooms :)

Martes, Pebrero 4, 2014

Screening :)

Pebrero 4, 2014
 Isang masayang araw na naman. Medyo nakakakaba din ng kaunti. Kasama ko ang aking mga kagrupo para sa aming screening para sa pagiging mga SSG officers. Sila Ate Cagas, Kuya Badion at iba pang mga officers ang nanguna sa screening namin. Nakakakaba dahil medyo mahihirap din ang mga tanong nila samin ngunit isang magandang karanasan para sa bawat isa. Ipinakita din namin sa kanila ang aming mga cheer at mga gagawin namin sa campaign para bukas.

Lunes, Pebrero 3, 2014

Bulok bulok ngipin :)

Pebrero 3, 2014
 Isang masayang talakayan na naman sa Filipino. Lagi ako maligalig pag Filipino eh. HAHA. Puro kasi tawa hahahah :) Bago namin simulan ang aming talakayan ay ipinasa namin ang maging mga takdang aralin. Binasa ni Sanchez at Bermundo ang kanilang mga takdang aralin. Tapos ayun, dumako na kami sa aming aralin kung saan ay tinanong kami ni Gng. Mixto kung kami daw ba tinutukso noong bata pa kami at kung ano ang mga naramdaman namin. Ako kasi, tinutukso akong negra, kulot at bulok-bulok daw ang ngipin ko noong maliit ako eh. Pero ngayon naman, matino na siya. Haha. Pagkatapos niyon ay nagkaroon kami ng gawain kung saan ay kikilalanin na namin ang aming mga kaibigan sa pamamagitan ng pagsulaty sa kalahating gahagi ng papel ng kanilang mga katangian at pagkakakilalanlan sa kanila. Isusulat din kung gaano mo siya kakilala at kung bakit ganyan ang kanyang pag-uugali.

Ang mahal :(

Pebrero 2, 2014
 Linggo na naman ! Syempre simba simba din pag may time. Haha. Bago po ako pumunta ng church nami, pumunta muna kami ni mama sa Marikina. Bumili kasi kami ng Sapatos para sa JS prom. Nakakagulat, ang mamahal pala nila. Haha :D Pero salamat kay Lord sa pagbibgay niya sakin nito kahit 500 siya na natawaran ng 450.00 :) Tapos ayun nalate ako sa mga bata. Nakakahiya naman sa mga maaaga naming estudyante. Late ang teacher. :D HAHA.

Sabado, Pebrero 1, 2014

Evangelism

Pebrero 1, 2014
 -Happy Birthday Papa :)
Isang masayang araw :) Ako ay excited kasi may evangelism kami ngayon kaya alas singko pa lamang ay gising na ako para bahasin ko yung hiniram kong libro sa pastor namin  na "Worhip the ultimate Priority" para sa aking morning devotion. Tapos hinandaan ko ng almusal sila Mama at naglinis na ako ng bahay at dumiretso na ako sa Simbahan. Nagkaroon muna kami ng meeting para sa gagawin naming evangelism ngayon. Pupunta kami sa Maligaya I para doon magsagawa ng evangelism. Nakakatuwa dahil napakasayang magturo sa mga bata doon. Hinahangd namin sa nalalapit na panahon ay makakasama din namin ang mga batang ito sa aming simbahan. Ayaw pa din kasi naming masayang ang henerasyon ng m ga batang ito na hindi sila nakakilala sa Panginoon.

Theater kuno :)

Enero 31, 2014
 Happy Chinese New year :) Hindi naman ako Chinese pero salamat na din kasi wala kaming pasok. Haha. Naglinis muna ako ng bahay sabay layas at pumuntang school. Gusto ko kasing makita yung mga kaklase kong magaauditon sa thespians. Pagakyat ko pa lamang ng hagdan ay sobrang natatawa na ako sa mga naririnig kong mga nagiiyakan, nagtatawanan, galit, at kung anu-ano pang emoisyon ang aking naririrnig senyales lamang ito na nagsisimula na ang Audition. Nakita ko ang iba sa mga kakalse ko at natutuwa ako sa mga ginagawa nila. Haha. Kailangan nilang sabihin ang Chumechene, Kulangot sa pader, at Natatae ako sa iba't-ibang emosyon. Haha. Nakakaloka silang panoorin. Nais ko din sanang sumali kaso baka pagkatapos ng audition, sira na ang reputasyon ko kaya wag nalang. Haha. Pagkatapos niyon ay umuwi na ako at pumunta sa aming simbahan.

Panalangin

Enero 30, 2014
 Ngayon ay masayang araw dahil wala kaming pasok bukas ! HAHA. Kaya, pagkakataon din naming mga SSG officers na pumunta sa Amang Rodriguez Hospital para makabisita sa asawa ng aming SSG adviser na si Mrs. De Real. Sa kasamaang palad, pagdating namin ay tapos na ang visitation hours at nakita na din naming palabas ang iba naming mga guro. Hindi na kami pinapasok ni Kuya guard :( Kaya ayun ! Diretso kaming mga SSG officers sa Simbahan sa may Marikina. Nakalimutan ko pangalan ng church eh. HAHA. Bago kami makarating sa simbahan ay nadaaran namin ang isang tatto shop ng komedyanteng si TADO. Napagtripan naming makipagpapicture sa kanya. Haha. Hindi ko naman talaga gusto pero, Ok na din. Para masaya. Tapos nakarating na din kami. Pumasok yung iba naming mga kasama pero kami nila Ate Cludette ay sa labas nanalangin kasi maa tahimik at payapa. Siguro mga dalawampung minuto ndin ang itinagal ng aming panalanginan. Alam naming may mga plano ang Diyos sa kanilang buhay at ang Diyos na lamang ang makatutlong sa kanila. Puno ng emosyon ang aming panalangin ngunit ang kagalingan ng asawa ni Ma'am
ay ipinapasaDiyos na lamang namin.

Miyerkules, Enero 29, 2014

Walang Himala ! Wala akong Tula !

Enero 29, 2014
 Ngayon ay yinalakay nmin ang teoryang sosyolohikal. Ito ay tumutukoy sa behavior ng isang tao. Nalaman namin ang siyam na uri nito at kung saan kami nabibilang sa mga katangiang ito. Matapos naming matalakay ang mga iyon ay hindi nakalimutan ni Gng. Mixto ang pagbunot ng mga pangalan ng magbabasa ng kaniyang gawang tula o sanaysay. At ayunnnnn -___- ! Ako yung nabunot. Haha. Malas wala pa kong gawa Nabawasn tuloy ako ng limang puntos. ayun lang 1 Nagkaroon din kaming gawain ngunit hindi namin ito natapos kaya takdang aralin nalang.

Martes, Enero 28, 2014

May Himala nga ba ?

Enero 28, 2014
 Ngayong araw na ito bago namin simulan ang talakayan sa Filipino ay ibinahagi muna ng aking kamag-aral sa klase ang kanyang nabuong tula. Matapos iyon ay dumako na kami sa aming talakayan kung saan ay inisa-isa namin ang mga pangyayari sa buhay ni Elsa bago pa lamang siya manggamot. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan sinuri namin ang nilalaman nito.

Lunes, Enero 27, 2014

Walang himala !

Enero 27, 2014
 Wala talagang himala. Haha. Hindi kasi ako nakapakinig sa aming talakayan ngayon. Lagot na naman ako nito kay Mam :) Mabuti naman at kalahati lang ng subject ang nasayang namin ni Jason at saglit lang natapos na kami sa pangongolekta ng abuloy para sa namatay na ina ng aming kamag-aral. Trabaho eh. Haha :)

Linggo, Enero 26, 2014

Epic fail :P

Enero 26, 2014
 Ngayong araw na ito ay syempre Linggo :) Si Lord muna bago ang lahat. Sinimulan ko ang araw na ito kasama ang aking devotion notebook, bible at ang aking mahiwagang ballpen <3 Maraming pinagdaanan ang aming simbahan na problema ngayon kaya puspusang prayer din kami eh. But still mabuti ang Panginoon sa lahat. Matapo ang aming Sunday service ay inayos namin ulit yung computer namin kaso ayun Epic fail sira ata yung hardware kaya next na Linggo ulit mapapaayos ^.^

Ang saya ^^

Enero 25, 2014
 Yahooow ! Kuhaan na ng kard namin. Medyo excited na kinakabahan :) Thakyou kay Lord dahil lahat ng grades ko tumaas <3 Nakakagulat nga kasi dati 84 lang ako sa Filipino ngayon 90 na <3 Anyareee ? XD Pati Math ko na dating 78 ngayon 82 na :) Aynako maging line of 8 lang ako sa Math ay laking tuwa ko na. HAHA kasi mahina talaga ako sa Math inaamin ko :) Pero ok lang naman. mahilig naman ako sa English at Filipino <3 HUEHUE. Salamat talaga Lord kasi nabasa nadin ni mama yung mga letters kong ginawa. Salamat Ma'am Mixto.

Ang saya :D

Enero 24,2014
 Ngayon ay nagkaroon kami ng isang gawain kung saan ay nagsulat kami sa aming makulay na papel na may kaugnayan sa akda na aming binasa. Pagkatapos ng aming klase ay pumunta ang aking mga mahal na bestfriends sa bahay. :) Kumain at nagkeyboard kami nina Nablo, Nantiza, Vangie, Madelyn, Jahaziel, at Judy Ann :) Medyo gabi na din sila umuwi. Hehe. Sabagay. Weekend naman na bukas :)

Huwebes, Enero 23, 2014

Ah-Eh-Ih-Oh-Uh

Enero 23, 2014
 Napakasayang araw na naman :D Di ko mawari kung bakit ang ligalig ko pag Filipino. HAHA. Nagayon ay tinalakay namin ang banghay ng akdang "Ang Kalupi". Bawat pangkat ay inaasahang masagutanm ang mga ipinsakil na gawain ni Gng. Mixto. Ang pinakamasayang bahagi ay ang pag-uulat namin. Ang dami kong tawa sa mga nag-ulat. Mga lima. HAHAHAHAHA. Bukas ay tatalakayin naman namin ang iba pang impormasyon sa akda at ang teoryang nakapaloob dito :)

Miyerkules, Enero 22, 2014

Tawa -- HAHA ^^

Enero 22, 2014
 Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pag-uulat ukol sa akdang " Ang kalupi", Binigyan kami ng dalawang minuto ni Gng. Mixto upang pag-usapan ang aming iuulat. Matapos ng pag-uulat, mas naunawaan pa namin ang akdang ito dahil nalaman namin ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag na nasambit sa akda. Napag-aralan din namin ang "Banghay". Ang aming takdang Aralin ay isulat sa kwaderno ang banghay ng akda at ipapakita namin ito bukas :))

Martes, Enero 21, 2014

P-a-o-s P-O :)

Enero 21, 2014
  Waaah :) Mabuti nakabot ako sa Filipino. May pinagawa pa kasi sakin si Mrs. Rhoda. "Ang Kalupi ni Benjamin Pascual" na ang aming aralin ngayon. Ako ang tagapagsalaysay, si Techon si Aling Marta, Requiz bilang pulis at si Onanad bilang Andres. Kami ang nagpakita ng mga pangyayari s Akda :) Tama nga talaga ang kasabihng " Huwag mong husgahan ang aklat sa pabalat nito". Bukas ay ipagppatuloy namin ang talakyan sa akdang ito. :)

Lunes, Enero 20, 2014

Baka Late na po hane ? :)

Enero 16,2014 Huwebes
 Ngayong araw na ito ay sumulat kami ng liham para sa mga mahal naming mga magulang. Ngunit ang mga sulat na ito ay mas patyungkol sa mga nanay. Isinulat namin ato sa makulay na papel. Salamat din kay Gng. Mixto dahil isa sa mga bagay na maari mong sabihin ang iyong mga saloobin ay sa pamamagitan ng pagsulat. Nawa ang sulat kong iyon ay mabasa ng aking mama. <3

Enero 17, 2014 Biyernes
 Ow bakitttt ? Hindi masaya wala kasi si Mam :( Pero ok lang din. nandito naman si Sir Bully este si sir Laurence na nagbantay sa amin. Bagamat wala si Gng. Mixto ay may iniwan siyang gawain para sa amin. Kami ay gagawa ng isang tulang pandamdamin na may sukat at tugma. Gagawa kami ng tatlong sakdon lamang at paungkol sa iisang damdamin lamang. Isusulat namin ito sa makulay na papel :)))

Enero 18, 2014 Sabado
 Mabuhay at Weekend na naman ! YEAH XD Ngayon ay nakatoka ako sa paglilinis ng bahay namin. Kutob kutob din pag may time diba ? Baka mamaya  palayasin nalang ako samin sa katamaran ko :) Kaya ayun naglinis ako :)) Wala kaming children ministry ngayon kaya mamayang gabi pa ako gogora sa church. hahha :) Hindi ko inaasahan ang pagbisita ng dalawa kong matalik na kaibigang sina Arquel at Nablo. HAHA. Anong problema ng dalawang toh ? Kaya ayun, baka gutom lang kaya kain kain din sila pag may time at kwentuhan na din :) Pagkatapos nun, umuwi na din sila at dumiretso na ako sa aming church paar magpraktis para sa aming Praise and worship bukas :D at nagkaroon din kami ng bible study kasama ang aming pastor.

Enero 19, 2014 Linggo
 EXCITED POWS :* Haha :) syempre diba ? Si Lord ba naman ang kakatagpuin ko ngayun eee :) Maaga akong nag-ayos dahil maaga ang aming children's ministry. Ako ang nagpakanta sa mga bata ngayon. ang sad naman dahil medyo paos po ako :( Haha. Tapos ayun Worship na :)) Super saya talaga pag Sunday. sana laging linggo nalang :)) Nagpresent na din kaming mga youths. Nakakatuwa tung testimony ni sir Rey Morato . Matagal din kasi namin siyang hindi nakasama sa Church dahil busy na din siguro :) Pero kasama namin siya ngayon kasi ok daw ang mga kaganapan sa Brgy. Mambugan <3 Tapos ayon. Tapos na yung service then nagturo naman ako sa aking mga kapatid ng instruments :) Nahihilo ako kasi diko alam kung ano ituturo ko eh. Lahat gusto matutunan . hahha Pero Drums muna kami ngayon ! Pagkauwi, ininstall namin yung Computer kaso , Mukhang next week pa namin ulit mapapaayos. Medyo sad yun , :P Ayun lamang po !

Enero 20, 2014 Lunes
 HOOORAYY Kunwari :) Medyo moody na Lunes sa inyooo :3 Haha. Ngayon ay gumawa kami ng isang tulang pandamdamin na may iisang paksa kada grupo na ipapakita namin sa Sabado. Mabuti na lamang at magagaling at nakikiisa ang aking mga kagrupo at natapos kaagad kami ") Masaya ang Filipino palagi . Hahah si Mam kasee :P Joker. XD GRRRRR <3 ANg aming takdang aralin ay magkaroon ng kopya ng akdang "Ang Kalupi"
 Natatawa ako kay Brite. Nagtatampo siya dahil di ko sa kanya ibinigay yung Drumsticks Haha :) Kay Gibson ko kasi naibigay kasi alam kong gagamitin niya yun sa Church nila pag tumugtog siya para kay Lord :) Kaya ayun. Pinamana ko na yung drumsticks ko . Sad :( HAHA.;)

Miyerkules, Enero 15, 2014

Da best si Nanay

Enero 15, 2014
 Ngayon ay showing na ang Bride for Rent. Pero wala namang kinalaman yun sa Blog ko :)) Hahah. ang saya naman ng araw na ito. May paawit-awit pa kami bawat pangkat. HAHA. Ayun, panalo ang pangkat dalawa sa gawain namin ngayon. Karamihan sa aming mga awit na napili ay ang "Sa Ugoy Ng Duyan" Kung kaya't ito ay ikinumpara namin sa tulang Pamana. Higit naming naunawaan ang kahalagahan ng tulang ito. Nagkaroon kami ng pangkatang gawain upang mas lubos pa naming mapalawig ang kahulugan nito.

Martes, Enero 14, 2014

IKAAPAT NA MARKAHAN NA PO !

Enero 13, 2013
 Haynako. Eto na toh, Fourth grading na . HAHA. Bakit kaya wala ngayon si Ma'am? Wala tuloy joker ngayon. Pero ok lang may gawain kami ngayon. amg ganda ng tulang Pamana. Ngayon ay binigyang kahulugan namin bawat saknong nito. Bukas ay mas malalaman pa namin ang kahulugan ng Pamana.

Enero 14, 2014
 Huhu :( Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi ako makakapasok sa Filipino ngayon . Sorry Ma'am :) Nangolekta kasi kami ng abuloy para sa namatayan naming kamag-aral. Nung nasalubong ko si Gng. Mixto ay malamang ! Yuko din. Hahah :) Wala kang ibang alam gawin kundi mangolekta ! -- Mrs. Mixto <3 Ang Sweet ni Ma'am Haha.

Hala Erin ! Ge -- Late ka na haha

Enero 7, 2013
 Ngayon ay Tinalakay namin ng bahagya ang nobelang Noli Me Tangere dahil kasama ito sa aming Ikatlong markahang pagsusulit sa Huwebes. Binigyan kami ng takdang aralin ni Gng. Mixto patungkol dito. Hahanapin namin ang kahuluhgan ng Ironiya, Mga uri ng tunggalian at simbolismo.

Enero 8, 2013
 Ngayon ay binigyang kahulugan namin ang aming takdang aralin nalaman namin ang kaugnayan nito sa Noli Me Tangere. Nagkaroon din kami ng pagbabalik aral sa aming mga Tinalakay naming mga aralin ng buong ikatlong markahan.

Enero 9, 2014
 Nagyon ay ang unang araw ng aming ikatlong markahang pagsusulit. MAPEH, Filipino, English at TLE ang sinagutan namin nagyon. Nakakaloka. Akala ko ay madali lang ang Filipino. ang hirap din pala. *.*

Enero 10, 2014
 Ngayon ang ikalawang araw ng aming pagsusulit. Math, Science, Values at AP ngayon . Talagang mahihirap na asignatura na mababaliw ka kakaisip. HAHA :)

Lunes, Enero 6, 2014

Ang aming unang araw :)

Enero 6, 2014
  Hay nako ! Pasukan na naman :) Balik sa dating gawi ang III-Diamond. Sa oras ng Filipino kami ay nagkaroon ng kaunting pagbabahagi sa mga nagyari sa aming bakasyon. Upang mas maibahagi pa namin ito kami ay gumawa sa isang buong papel ng isang sanaysay. Inilahad namin dito ang aming mga repleksyon noong nakaraang taon. at ang mga pagbabagong aming gagawin ngayong taon.

Biyernes, Enero 3, 2014

Disperas ng Bagong Taon kasama ang pamilya

Disyembre 31,2013
 Isa sa napakasayang araw para sa akin ang December 31, 2013. Paalam na sa 2013. Kay bilis nga naman ng panahon hindi ba? Parang kahapon 2012 lang. Bakit nga ba masaya ako ngayon?

 Ang aming pamilya ang maagang nagising dahil pupunta kami ngayon sa Montalban. Doon kasi nakatira ang aking Tito. Doon kami madiriwang ng bagong taon.Yung tito ko, Hindi naman talaga kami magkadugo nun. Kasi, kapatid siya ng stepfather ko. Ngunit salamat Lord dahil hindi ko man kasama tunay kong tatay, Pinalitan ni Lord yun ng panibagong pamilya ay mas dun ko nahanap yung kahulugan ng pamilya. Sa aming pagsalubong ng panibagong taon, sabay sabay kaming nagcountdown at pagtapos niyon ay hinipan naming magpipinsan ang aming mga torotot. :D totorotottottooooot ! Haha. Matapos naming panoorin ang mga Fireworks ay sabay-sabay kaming nagsalu-salo. Hindi man kami sama samang nanalangin, kinausap ko ang Diyos na sana'y patnubayan kami buong taon at sana ay makilala din siya ng aking pamilya. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang dulot sa akin nga araw na ito. Marahil ito ay magandang panimula para sa bagong taon namin.    




Larawan namin habang naghihintay na mag alas dose :)