Isa sa napakasayang araw para sa akin ang December 31, 2013. Paalam na sa 2013. Kay bilis nga naman ng panahon hindi ba? Parang kahapon 2012 lang. Bakit nga ba masaya ako ngayon?
Ang aming pamilya ang maagang nagising dahil pupunta kami ngayon sa Montalban. Doon kasi nakatira ang aking Tito. Doon kami madiriwang ng bagong taon.Yung tito ko, Hindi naman talaga kami magkadugo nun. Kasi, kapatid siya ng stepfather ko. Ngunit salamat Lord dahil hindi ko man kasama tunay kong tatay, Pinalitan ni Lord yun ng panibagong pamilya ay mas dun ko nahanap yung kahulugan ng pamilya. Sa aming pagsalubong ng panibagong taon, sabay sabay kaming nagcountdown at pagtapos niyon ay hinipan naming magpipinsan ang aming mga torotot. :D totorotottottooooot ! Haha. Matapos naming panoorin ang mga Fireworks ay sabay-sabay kaming nagsalu-salo. Hindi man kami sama samang nanalangin, kinausap ko ang Diyos na sana'y patnubayan kami buong taon at sana ay makilala din siya ng aking pamilya. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang dulot sa akin nga araw na ito. Marahil ito ay magandang panimula para sa bagong taon namin.
Larawan namin habang naghihintay na mag alas dose :) |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento