Enero 16,2014 Huwebes
Ngayong araw na ito ay sumulat kami ng liham para sa mga mahal naming mga magulang. Ngunit ang mga sulat na ito ay mas patyungkol sa mga nanay. Isinulat namin ato sa makulay na papel. Salamat din kay Gng. Mixto dahil isa sa mga bagay na maari mong sabihin ang iyong mga saloobin ay sa pamamagitan ng pagsulat. Nawa ang sulat kong iyon ay mabasa ng aking mama. <3
Enero 17, 2014 Biyernes
Ow bakitttt ? Hindi masaya wala kasi si Mam :( Pero ok lang din. nandito naman si Sir Bully este si sir Laurence na nagbantay sa amin. Bagamat wala si Gng. Mixto ay may iniwan siyang gawain para sa amin. Kami ay gagawa ng isang tulang pandamdamin na may sukat at tugma. Gagawa kami ng tatlong sakdon lamang at paungkol sa iisang damdamin lamang. Isusulat namin ito sa makulay na papel :)))
Enero 18, 2014 Sabado
Mabuhay at Weekend na naman ! YEAH XD Ngayon ay nakatoka ako sa paglilinis ng bahay namin. Kutob kutob din pag may time diba ? Baka mamaya palayasin nalang ako samin sa katamaran ko :) Kaya ayun naglinis ako :)) Wala kaming children ministry ngayon kaya mamayang gabi pa ako gogora sa church. hahha :) Hindi ko inaasahan ang pagbisita ng dalawa kong matalik na kaibigang sina Arquel at Nablo. HAHA. Anong problema ng dalawang toh ? Kaya ayun, baka gutom lang kaya kain kain din sila pag may time at kwentuhan na din :) Pagkatapos nun, umuwi na din sila at dumiretso na ako sa aming church paar magpraktis para sa aming Praise and worship bukas :D at nagkaroon din kami ng bible study kasama ang aming pastor.
Enero 19, 2014 Linggo
EXCITED POWS :* Haha :) syempre diba ? Si Lord ba naman ang kakatagpuin ko ngayun eee :) Maaga akong nag-ayos dahil maaga ang aming children's ministry. Ako ang nagpakanta sa mga bata ngayon. ang sad naman dahil medyo paos po ako :( Haha. Tapos ayun Worship na :)) Super saya talaga pag Sunday. sana laging linggo nalang :)) Nagpresent na din kaming mga youths. Nakakatuwa tung testimony ni sir Rey Morato . Matagal din kasi namin siyang hindi nakasama sa Church dahil busy na din siguro :) Pero kasama namin siya ngayon kasi ok daw ang mga kaganapan sa Brgy. Mambugan <3 Tapos ayon. Tapos na yung service then nagturo naman ako sa aking mga kapatid ng instruments :) Nahihilo ako kasi diko alam kung ano ituturo ko eh. Lahat gusto matutunan . hahha Pero Drums muna kami ngayon ! Pagkauwi, ininstall namin yung Computer kaso , Mukhang next week pa namin ulit mapapaayos. Medyo sad yun , :P Ayun lamang po !
Enero 20, 2014 Lunes
HOOORAYY Kunwari :) Medyo moody na Lunes sa inyooo :3 Haha. Ngayon ay gumawa kami ng isang tulang pandamdamin na may iisang paksa kada grupo na ipapakita namin sa Sabado. Mabuti na lamang at magagaling at nakikiisa ang aking mga kagrupo at natapos kaagad kami ") Masaya ang Filipino palagi . Hahah si Mam kasee :P Joker. XD GRRRRR <3 ANg aming takdang aralin ay magkaroon ng kopya ng akdang "Ang Kalupi"
Natatawa ako kay Brite. Nagtatampo siya dahil di ko sa kanya ibinigay yung Drumsticks Haha :) Kay Gibson ko kasi naibigay kasi alam kong gagamitin niya yun sa Church nila pag tumugtog siya para kay Lord :) Kaya ayun. Pinamana ko na yung drumsticks ko . Sad :( HAHA.;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento