Mga Pahina

Miyerkules, Marso 12, 2014

Suring Basa

 Suring Basa
Rebyu
Love mo siya, Sure ka ba ?

                 
               “Yung pag bibili ka sa canteen, mukha niya sa pinggan ang nakikita mo”. Isa sa mga pamosong linya ng aking aklat na nabasa mula sa malikhaing imahinasyon ni Ronald Molmisa. Isang Head Pastor ng Generation 3:16 Ministries, isang organisasyong ang pokus ay sa mga kabataan. Lubos niyang pinag-aralan ang mga katangian ng mga kabataan pagdating sa pag-aaral, pamilya at lalong lalo na sa pag-ibig.  Pumatok ang kanyang unang aklat na Lovestruck Singles Edition. Kung kaya’t tumaas ang pagkagusto ng mga kabataang magrelease pa siya ng isang aklat kung saan ang binibigyang pansin ay ang mga kabataang nasa relasyon na, yung mga gustong maglevel up yung Frienship nila, at yung mga kabataang laging linya ay – Kendisbilab ? at Siya na ba talaga ang da one? Ngunit, binasag ni Ronald Molmisa ang trip ng mga kabataang ito sa pagbato ng kanyang bagong edisyong Lovestruck ka? Love mo siya, Sure ka ba ? Bidang bida sa kanyang aklat ang lubos nilang pagmamahalan ng kanyang asawang si Gigi mula noong sila’y  nagliligawan pa lamang. Ito ang kanyang  inihalimbawa sa isang relasyong may basbas ng mga magulang hindi gaya ng mga kabataang pumasok sa relasyong hindi pa nga alam kadalasan ng kanilang mga magulang ang mga pinagagagawa nila. Malinaw niyang nailarawan ang iba’t-ibang uri ng mga kabataang nasa isang relasyon. Yung iba, tipong sa kanto lang ihahatid dahil sa isang batalyong kamag-anak ang nahihintay sa covered court kapag nakitang may boyfriend ang kanilang anak. Yung iba naman mga relasyong hindi naman nagtatagal dahil sa iba’t-ibang factors na madaling magsawa ang mga kabataan. Ngunit mas ipinadama niya sa kanyang aklat kung gaano tayo kamahal ng Panginoon at bilang kabataan, Mas dapat ilapit natin ang ating mga  sarili sa kanya dahil mas Sure yung pagmamahal niya sa atin. Inilahad ni Ronald Molmisa ang tamang  pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Ang paghihintay sa tamang panahon ay isa sa mga sangkap nito. Tampok ang maigsing bahagi ng kanyang akda ang love story nina Rachel and Jacob. Si Leah ay nakatatandang kapatid ni Rachel. Nakatakdang ikasal si Jacob kay Leah ngunit hindi niya naman ito mahal. Ngunit sa paniniwala sa matandang tipan sa bibliya, mas unang dapat mag-asawa ang panganay na babae. Ngunit dahil sa pagmamahal ni Jacob kay Rachel, nag-antay siya ng labing apat na taon  upang makuha niya na ang kamay ni Rachel. At nangyari nga ang the best wedding ever  ng lovestory nila. : Kaya mo bang maghintay ng ganun katagal para sa taong mahal mo?” Mahusay na nailahad ng may akda ang kanyang mga aral na nais niyang ipabatid sa bawat kabataang babasa nito. At higit sa lahat, Kung gaano kalaki ang Pagmamahal ng Diyos para sa bawat kabataan dahil si Lord ang FIRST AND ENLESS LOVE. Pag si Lord ang karelasyon mo, YOU HAVE THE GREATEST LOVE AFFAIR <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento