Mga Pahina

Lunes, Disyembre 16, 2013

Maligayang pagdating sa Antipolo City Jail

Disyembre 16, 2013
 Ngayong araw na ito, excuse kami. Kasama ko ang iba kong mga kamag-aral na magpapakita ng presentasyon para sa pagbisita namin sa City Jail sa Antipolo. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman ko ngayon. hindi ko alam kung bakit. Hahaha :D Ako ay MC sa aming programa para sa araw na ito. Nakakatuwa dahil mainit ang pagsalubog sa amin ng mga preso sa Antipolo City jail. Katulong ko sa pag Mmc si Kuya Arcie, isa din sa mga inmate dito. Natuwa ako sa mensaheng ibinigay niya na halos mangiyak ngiyak na ang kanyang mga mata. Sabi niya na ang kulungang iyon ay dating kinatatakutan ng mga tao. Laging magulo, hindi maganda ang pamamalakad sa kulungang iyon. Ngunit batay narin sa aking napansin, malaking pagbabago na ang nangyari dito . Nakikita ko sa mga Preso ang kapayapaan at maayos ang sistema ng pamamalakad dito. Sa aming mga munting tulong sa mga preso ay malaking mg ngiti ang aming nakita sa kanila. Nagkaroon daw sila ng Pag-asa ng dumating kami at halos maging emosyonal pa ang iba. Nagpakita din ang mga talentadong mga inmates ng kanilang mga natatanging bilang at nakatutuwa silang panoorin Nagbigay ng pangwakas na pananalita ang aming punongguro at siya rin ay naghandog ng isang awitin at siya at siya ay gumamit pa ng gitara. Nabigyan din kami ng pagkakataon na makipagusao sa mga inmate at magtanong sa kanilang buhay. Nakakatuwa dahil sila ay masayang nagbabahagi ng kanilang mga naranasan. Sa likod ng mga rehas na iyon ay ang lungkot na kanilang nararamdaman dahil hindi na sila dinadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Kasama ko si Arquel sa pag-iinterview sa mga inmate at pinayuhan nila kami na huwag kaming tutulad sa kanila. Marami akong narealize ngayong araw na ito. Na maigsi lang ang buhay. Hindi lahat permanente. Kaya gugulin natin ang ating panahon sa paggawa ng mabuti at sa pagtulong sa ating kapwa. Lahat ng mga guro at magaaral na aming kasama ay masayang umuwi at may iba't ibang kwento ng mga karanasan para sa araw na ito . ;)


1 komento:

  1. Isang magandang karanasan yan. Iba pa rin ang mga tunay na patotoo sa mga kuwentong ating tinatalakay. :)

    TumugonBurahin