Mga Pahina

Sabado, Disyembre 14, 2013

Damang dama ko na ang Paskooooo :) Hohohoho :D

Disyembre 14, 2013 (Sabado)
 Isang mapagpalang araw na naman :) Gumising ako ng maaga upang gawin ko ang proyekto ko sa Values dahil paniguradong hindi ko na naman ito maasikaso. Hindi ko inaasahan na ang aking bestfriend na si Monica ay pupunta sa bahay. Habang nagchichismisan kami, ay sige ang linis ko ng bahay para multi-tasking ang galawan :D Hahaha. Pagkatapos nun, naligo na ako. Dahil Christmas party ng aming mga Children sa simbahan. Nakakaexcite naman :) Nakakatuwa dahil sa aking pagdating ay ang masayang pagsalubong ng mga bata at ang tawag nila sa akin ng Teacher Erin. Nakakataba naman sa Puso <3 Uhhh. Nakalimutan ko at ako pala ang Master of Ceremony ngayon. Haha. Napakaraming bata ang pumunta ngayon . Sila ang aming mga estudyante sa Josefina at Kamias II. Kasama rin ng iba ang kanilang mga magulang. Umawit myna at nanalangin ang mga bata bago ang mga palaro. Lahat ay aktibong sumali sa Mga Relay, Bible infomation Contest, Putukan ng lobo at marami pang iba. Pagkatapos niyo ay binigyan na namin sila ng pagkain at Give aways :) Nakaktuwa dahil nakapagdulot kami ng ksaiyahan sa mga batang ito sa munting paraan.


Pagkatapos ko na ummatend sa party ay dumiretso ako sa Francisville. Christmas party din kasi namin sa YWAM o Youth with A Mission. Kahit pagod, ok lang din dahil nais kong makahabol sa aming party. Hahaha. Late na kami ni Jahaziel ng Isang oras. Pagdating namin sa venue, Nagppray na sila. Mabuti naman ay umabot pa. Ayun ! pagkatapos ay nagkaroon kami ng Picture kami sa aming mga leaders na Missionaries. At pagkatapos niyo ay nagkainan kami. Binigyan din kami ni Ate Juliet ng Journal notebook at Ballpen upang isulat namin dun ang mga natututunan namin sa tuwing binabasa namin ang bibliya. Nakakatuwa dahil mahilig akong magsulat at magbasa. Lahat kami ay masaya ngayong araw :D Salamat Lord :)


Kala nyo tapos na nuh ? Hahha . Ang damimg nangyari sa araw na ito. Hindi nga ako busy diba ? hahhah. Salamat naman at nakauwi nadin ng bahay. Natutuwa ako sa bagong tutang ibinigay sa amin. Ang taba at mukhang maamo ang mukha. Nakakapawi ng pagod. Ibinigay si Ern sa amin kahapon. Ern ang pangalan niya. Oh diba? Parang ERIN Lang. pero tinanggal yung letrang "I". kaya Ern Hahaha. :) Selfie muna kami Ang cute nya kasi . Oh ayan na :)


Bagama't pagod. Salamat kay Lord dahil siya yung nagbibigay sa akin ng lakas araw- araw. Ako'y mapalad dahil isa ako sa mga kabataang nakararanas ng kabutihan niya sa Araw-araw. Ayun Lang ! Ang daldal kooooo :))))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento