Mga Pahina

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Hohoho :) Disyembre na ho :D

Disyembre 6, 2013
 Ngayong natapos na naming pag-aralan ang akdang "Banyaga ni Liwayway Arceo", nagkaroon kami ng sulatin. Para sa mga babae, Isusulat namin ang mga bagay na dapat naming gawin uapang makapagtapos kami ng aming pag-aaral . at para naman sa mga lalaki,  isusulat nila ang mga bagay na gagawin nila upang bigyan ng galang at respeto ang mga kababaihan.

Disyembre 7, 2013 (Sabado)
 Ngayon ay masaya ako dahil sa desisyong nagawa ko. Gusto ko talang sumama sa overnight Camping/ Leadership training kagabi. Ngunit naisip ko na kulang sa mga teachers sa aming simbahan ngayon. Walang magtuturo sa mga bata. Kaya napakasarap sa pakiramdam dahil maraming bata ang pumunta ngayon at excited sila na matututo para sa araw na ito. Nakakataba sa pusong tatawagibn ka nilang "Teacher Erin" at magmamano pa sila sa'yo bago sila umuwi. Matapos iyon, Naglagay kami ng mga Christmas decoratin sa aming simbahan. Msaya ako ngayon dahil nakakagawa ako ng makakabuluhang bagay :)))

Disyembre 8, 2013 (Linggo)
 Salamat Lord sa panibagong araw ! Haaayyyy :) Ngayon ay aking araw ng pagbibigay papuri sa Panginoon. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kasama ang aking mga magulang sa pagsisimba. ang lagi kong panalangin na sana, Balang araw, sa bakanteng upuang ito , Dito uupo si Mama, si Daddy at ang Lola ko. hindi ako Nawawalan ng pag-asa na balang araw makakasama ko rin sila :) Nakakayuwa dahil unang beses kong tutugtog ng keyboard ngayon sa aming simbahan. Nakatutuwang isipin na ang talentong ibinigay sa aking ay ibinabalik ko sa Diyos :)

Disyembre 9, 2013
 Lunes na naman ! :) Hahaha. Nakapagtataka at wala si Gng. Mixto ngayon . Hindi buo ang araw ng III-Diamond dahil walang laughing moments. Haha :D Ngayon, si G. Mixto ang nagbantay sa amin at nagpaskil siya ng gawain. Ito ay tingkol na sa aming Huling akdang tatalakayin. Ang "Kinagisnang balon."

Disyembre 10, 2013
 Bakit ang duga? Kung kelan Filipino na tska mag-uuwian? Hahah. ayan tuloy, Umuwi na kami dahil shorten period lang daw. Hindi umabot ang oras para mataps namin ang Filipino subject . -.- Bat Ganun ? :D

Disyembre 11, 2013
 Ayun . balik sa dating oras! Mabuti naman . Nagkaroon ng pag-uualat ang pangkat dalawa tungkol sa akdang "Kinagisnang balon ni Cristobal Cruz." Matapos iyon, nagpaskil sa Gng. Mixto ng ilang mga larawang kaugnay sa akda. Matapos iyon ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ngunit dahil kulang sa Oras, ipagpapatuloy na lamang namin ito bukas :)

1 komento:

  1. Sa susunod lagyan ng title ang iyona post. Mas maganda rin kung bawat araw ang post. Masyado ring maikli ang iyong pagsasalaysay ng mga pangyayari. Umaasa ako sa mga bagong kuwento na ilalahad mo. :)

    TumugonBurahin