Ito ang pinakahiintay naming araw. Ang pagpunta namin sa Star City ay matagal na naming pinagplanuhan ng mga Youth leders. Enero palang ay nagmeeting na kami kung ano ang maaring regalo namin sa Pasko sa mga kabataang magpapatuloy sa pagpapagamit sa Diyos hanggang sa dulo ng taon. At sa wakas ! Eto na ang regalo namin sa kanila. Libre ang kanilang entrance fee na Ride all you can at ang sagot na lamang nila ay pamasahe. Ang pagkain ay ang church na ang magbabayad. Nakakatuwang makita na ang mga kabataang kasama ko ngayon ay patuloy parin ang paglilingkod sa Panginoon. At matapos ang lahat -- Tanggapin nyo ang inyong regalo <3 alas onse ay inaasahang magkikita kita kami sa may bungad ng subdivision upang sabay sabay kaming umalis. Matagal din ang biyahe dahil traffic ngayon. Mabuti na lamang ay ligtas kami doong nakarating at lahat ay masayang masaya. Pinagkkwentuhan palang namin ang mga rides na aming sasakyan ay tawa na kami ng tawa at kinakabahan na din. Nais kong subukan ang mga extreme rides dahil sa aking palagay ay kaya ko naman. Sobrang excited ako na sumakay. Ngunit sabi ni ate Sheila, Youth leader namin, mamaya nalang daw ang mga Extreme rides pag gabi na kasi mas maganda daw sa labas pag gabi kaya mga indoor rides muna kami.
Una naming sinakyan ang Blizzard. Grabe walang thrill. Haha ang yabang ko noh? Pero sa totoo lang hindi ako mahilig sa rides pero hindi rin naman ako malululain at hindi rin ako madalas mahilo kaya Go na go ako sa mga rides :) Nakakatawa tong mga kasama ko umiyak pa ng bonggang bongga ! Haha
Sumunod naman ang Viking. In fairness, ramdam kong ligtas toh kaysa sa Viking sa Marikina na tila kinakalawang na. Haha :)
Sumakay din kami sa Magic Forest kung saan nakakita kami ng mga elf, si pegaus, Mga fairy at iba pang magical na bagay.
Pinasok din namin ang tila kwebang lugar ng mga pirata. Nakakatuwa dahil ang ganda sa loob nito. Dito makikita ang buhay ng mga pirata noon. Medyo nakakatakot din ang effects, Nakakita kami ng treasure box at mga gamit nila sa paglalayag.
Tila hindi kami nakaramdam ng gutom hane ? Kakasakay namin ng mga rides eh nakalimutan na naming kumain. Alas singko ay lumabas kaming lahat upang pumunta sa KFC at doon ay kumain na din ng hapunan.
Kami ay bumalik upang subukan naman namin ang mga rides sa labas. Ilan na lamang dito ay mga pampamilyang rides din kung saan marami ang makakasakay. Gaya ng Giant star wheel o Ferriswheel, Surf dance, Jungle splash. Star Flyer, at ang pinakamatindi sa lahat ang Star Frisbee kung saan lahat ng dasal ay babanggitin mo . hahaha dahil sa sobrang extreme nito. Natawa pa nga ako dahil maiiwan talaga ang kaluluwa mo sa taas. Pwede mo na ngang pitasin ang dahon ng mga puno dahil maabot mo na talaga sa sobrang taas. Sa lahat ng rides na sinakyan ko, ito ang pinakaExtreme para sa akin. Matapos naming masakyan ang mga ride ay napansin naming malapit na palang magsara ang Star city dahil magaalas dose na kung kaya ay bumili na kami ng mga souvenir para makauwui na din kami. Isang nakakapagod na araw ngunit masaya. ang sakit ng paa ko kakalakad paroo't parito. Mabuti na lamang ay hindi na traffic at ligtas kaming nakauwi. Napagdesisyunan ko din na sa Church nalang din matulog dahil gabi na rin. Doon na rin kami nagpalipas ng gabi.