Mga Pahina

Martes, Disyembre 31, 2013

Youth Unlimited sa Star City :)

Disyembre 27, 2013
 Ito ang pinakahiintay naming araw. Ang pagpunta namin sa Star City ay matagal na naming pinagplanuhan ng mga Youth leders. Enero palang ay nagmeeting na kami kung ano ang maaring regalo namin sa Pasko sa mga kabataang magpapatuloy sa pagpapagamit sa Diyos hanggang sa dulo ng taon. At sa wakas ! Eto na ang regalo namin sa kanila. Libre ang kanilang entrance fee na Ride all you can at ang sagot na lamang nila ay pamasahe. Ang pagkain ay ang church na ang magbabayad. Nakakatuwang makita na ang mga kabataang kasama ko ngayon ay patuloy parin ang paglilingkod sa Panginoon. At matapos ang lahat -- Tanggapin nyo ang inyong regalo <3 alas onse ay inaasahang magkikita kita kami sa may bungad ng subdivision upang sabay sabay kaming umalis.  Matagal din ang biyahe dahil traffic ngayon. Mabuti na lamang ay ligtas kami doong nakarating at lahat ay masayang masaya. Pinagkkwentuhan palang namin ang mga rides na aming sasakyan ay tawa na kami ng tawa at kinakabahan na din. Nais kong subukan ang mga extreme rides dahil sa aking palagay ay kaya ko naman. Sobrang excited ako na sumakay. Ngunit sabi ni ate Sheila, Youth leader namin, mamaya nalang daw ang mga Extreme rides pag gabi na kasi mas maganda daw sa labas pag gabi kaya mga indoor rides muna kami.



 Una naming sinakyan ang Blizzard. Grabe walang thrill. Haha ang yabang ko noh? Pero sa totoo lang hindi ako mahilig sa rides pero hindi rin naman ako malululain at hindi rin ako madalas mahilo kaya Go na go ako sa mga rides :) Nakakatawa tong mga kasama ko umiyak pa ng bonggang bongga ! Haha

Sumunod naman ang Viking. In fairness, ramdam kong ligtas toh kaysa sa Viking sa Marikina na tila kinakalawang na. Haha :)



Sumakay din kami sa Magic Forest kung saan nakakita kami ng mga elf, si pegaus, Mga fairy at iba pang magical na bagay.






Pinasok din namin ang tila kwebang lugar ng mga pirata. Nakakatuwa dahil ang ganda sa loob nito. Dito makikita ang buhay ng mga pirata noon. Medyo nakakatakot din ang effects, Nakakita kami ng treasure box at mga gamit nila sa paglalayag.




Tila hindi kami nakaramdam ng gutom hane ? Kakasakay namin ng mga rides eh nakalimutan na naming kumain. Alas singko ay lumabas kaming lahat upang pumunta sa KFC at doon ay kumain na din ng hapunan. 

Kami ay bumalik upang subukan naman namin ang mga rides sa labas. Ilan na lamang dito ay mga pampamilyang rides din kung saan marami ang makakasakay. Gaya ng Giant star wheel o Ferriswheel, Surf dance, Jungle splash. Star Flyer, at ang pinakamatindi sa lahat ang Star Frisbee kung saan lahat ng dasal ay babanggitin mo . hahaha dahil sa sobrang extreme nito. Natawa pa nga ako dahil maiiwan talaga ang kaluluwa mo sa taas. Pwede mo na ngang pitasin ang dahon ng mga puno dahil maabot mo na talaga sa sobrang taas. Sa lahat ng rides na sinakyan ko, ito ang pinakaExtreme para sa akin. Matapos naming masakyan ang mga ride ay napansin naming malapit na palang magsara ang Star city dahil magaalas dose na kung kaya ay bumili na kami ng mga souvenir para makauwui na din kami. Isang nakakapagod na araw ngunit masaya. ang sakit ng paa ko kakalakad paroo't parito. Mabuti na lamang ay hindi na traffic at ligtas kaming nakauwi. Napagdesisyunan ko din na sa Church nalang din matulog dahil gabi na rin. Doon na rin kami nagpalipas ng gabi.




Si Erin sa Montalban :D

Disyembre 26, 2013

 Dito muna ako sa bahay ng tito ko ngayon. Wala kasing ksama ang pinsan kong si Ara. Maedyo napuyat kami kagabi dahil anong oras na din kami nakauwi kahapon at pagod pa. Kaya ala una na ng tanghali kami nagising. Sabay na din ang almusal at tanghalian namin. Haha :) Nanuod kami ng aking pinsan ng mga programa sa telabisyon at sinabi sa akin ni tito na ihahatid nya na rin daw ako kasi bukas ay pupunta kami ng Star City ng mga kasama ko sa simbahan. Alas singko ay umalis na din kami ni tito. At eto na naman ang pinsan kong nalulungkot dahil aalis na daw ako. Haha. Parang hindi naman kami magkikita noh ? Medyo traffic ngayon at siksikan din ang mga tao kaya mahirap sumakay. Mabuti na lang ay ligtas akong nakauwi sa amin. Sa may bungad ng subdivision, Nakikita ko nagmemeeting na pala ang aming mga Youth leaders para sa gagawin namin bukas. Ang saya dahil libre na kami ng entrance fee sa Star City :) Blessing yun ha . Php 420.00 na din yun at Ride all you can pa ! Excited na ang bawat isa para sa pagpunta namin dun bukas. Pagkatapos niyon ay nakarating na ako sa aming bahay . Namiss koooo yung tuta namin. Haha. :) At nagpahinga na din ako dahil nakakapagod ang araw na ito.

Sabado, Disyembre 28, 2013

Pagpag Siyam na buhay

Disyembre 25, 2013

Pagpag Siyam na Buhay

 Ngayon ay Pasko na ! Ang aking mga kapatid ay maagang gumayak upang mamasko at manghingi ng aginaldo sa kanilang mga ninang. Kami ay pupunta ngayon sa Montlbanm . Isasama ako ng aking tito sa Montalban. Ngunit bago iyon ay napunta muna kami ng Cubao. Sa Gateway Mall ay nanuod kami ng Pagpag Siyam na buhay. Ito ay isa sa mga MMFF entry nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sila ay isa sa mga paborito kong tambalan sa telebisyon. Nakakatuawa dahil ang ganda ng kinalabasan ng palabas. Nakatakot, na Nakakakilkig at nakakatawa. Pwede rin pala ang KathNiel sumabak sa Horror. Dahil nagampanan nila ng maayos at maganda ang kanilang role. Humanga din ako kina Clarence Delgado, Paulo Avelino at Shaina Magdayao dahil sa galing nila sa pag-arte. Isang magandang bonding ng pamilya ay ang panonood ng pelikula ng sama-sama.

Noche Buena na !

Disyembre 24, 2013
 Ang bilis nga naman ng panahon at disperas na pala ng Pasko. Maagang gumising ang aming pamilya upang paghandaan ang gaganaping salu-salo mamaya. Darating ang aking tito, tita at pinsan mamaya kung kaya inihanda na rin namin ang mga gagamitin nila. Napagdesisyunan namin na sa aming likod-bahy gagnapin ang aming salu-salo.

Kinagabihan ay dumating na ang aking tito at tita . Si Mama ay naghanda ng Caldereta at si tito naman ay may dalang barbeque at may Isda pa. Kami ay masayang nagsalu-salo at nagbukasan ng mga regalo. Nakakatuwa dahil binigyan ni Daddy si Mama ng kwintas. Aba ! Mayaman :) hahah . Feeling bagets ang peg ng dalawa, Hayaan na natin at Pasko naman. Ang tangi ko lamang panalangin para sa king pamilya ay nawa lagi kaming ligtas at masaya. Ayun lamang po at Maligayang Paskooooooooo !





Nakakaloka pala ang maging ninang !

Disyembre 23, 2013
 Noche buena na pala kinabukasan kaya kailangan na naming mamili ng mga kakailanganin namin bukas dahil dadating din ang aking tito, tita at pinsan . Kaloka ! Wala pa yung tawag nung lola ko. Kasi, balak na sana naming kunin yung padala. Mabuti na lamang at tumawag na si lola kaya nakapamili na kami. Naloloka ko dahil lima na ang aking inaanak . Mas madami pa kaysa sa mga inaanak ng mama ko. HAHA. Binilhan ko na sila ng mga regalo at take note : GALING Din SA BULSA NI INAY ANG IPINAMBILI. Kahiya kiya :3 Ahaa.. Mahaba habang lakaran din ang aming sinuong at si mahulugang karayom ang dami ng taong namimila :) Mabuti na lamang at ligtas kaming nakauwi.

Birthday ni Daddy/ Christmas party sa Church/ Dedication/ Pagbibigay ng mga sertipiko

Disyembre 22, 2013
 Isang mapagpalang araw ! Napakaraming mga pangyayari sa araw na ito. Nagpapasalamat ako dahil sa panibagong taon na naman na ibinigay ng Diyos para sa aking stepfather. Bagamat hiundi kami maghkadugo at nagkakaunawaan kung minasan, ay itinututing niya naman ankong anak. (Minsan) haha :D Salamat Daddy ! Masaya din ako natumatayo siya bilang ama ko.

Ngayon ay christmas party ng aming simbahan. Masaya ang lahat at bitbit bitbit ang kani-kanilang mga regalo't mga pagkaing pagsasaluhan.Bukod pa dito ay masaya din ang lahat dahil may mga inihandang mga palaro't regalo ang aming mga missionary. Masayang umuwi ang bawat miyembro ng aming simbahan.

















Kasabay din ng aming christmas party ang dedication kay Baby Renz. Siya anak ng aming mag-asawang miyambre sa simbahan. At ako ay napili bilang ninang ni Baby Renz.


Ibinigay na din ang mga sertipiko ng mga nabautismuhan noong nakaraang Nobyembre sa Green Park, Cainta Rizal. Nakakataba sa puso na makita nag mga kabaataang ito na nakikita ko silang nagpapagamit sa Panginoon. Lagi naming panalangin ng mag Leaders sa kanila na anwa ay huwag silang tutulad sa ibang mga kabataan na napapariwara ang buhay at maging isang kabataan na magsisimula ng pagbabago.


Martes, Disyembre 24, 2013

Nakakamiss pala sila

Disyembre 21, 2013

 Matapos ang Christmas party ng mga bata noong nakaraang Sabado, wala munang Ministry sa mga bata ngayon. Nakakamiss din pala sila. Parang kulang ang isang buong Linggo kapag di ako nakapagturom sa mga bata. Pero Ok lang din dahil pahinga ng aming mga estudyante. Naalala ko may ensyao pala kami ng Praise and Worship para sa Linggo. Ang aming Pastor ang namuno sa amin . Nagkaroon muna kamin ng saglit na palanginan at Devotion. Ngayon ay narealize ko ang kahalagahan ng Worship. May librong ipinakita ang aming Pastor sa amin . Ang pamagat ay "Worship". Napakagandang basahin ng aklat na ito ni John McArthur. Pagkatapos niyon ay nagensayo na kami. Kulang kami ngayon dahil wala ang aming drummer. Pero ang mahalaga ay huwag tignan kung ano ang kulang kundi kung sino ang nandiyan. Nakakatuwa dahil muling bumalik ang sigla ng Music team dahil naunawaan namin ang kahalagahan ng pagsamba sa Panginoon. Parang nagkaroon ng revival ang bawat isa. :)

HALA ... Post post din pag may time.

Disyembre 20, 2013

    General Cleaning


Sa tagal ko ng hindi nagpost, mabuti naman at naisulat ko ang mga ginawa ko para sa araw na ito. Haha. Natutuwa ako sa ka-Unlihang taglay ng aking stepdad. Isang linggo na niyang sinasabi sa aking mag general cleaning kami. Ngunit dahil abala ako sa paaralan, ngayon ko na lamang siya natulungan. Mukhang Haunted house nadin pala ang aming bahay. Tumambad sa akin ang mga nagbobonggahang mga alikabok,
masasayang ipis, mga kumakaway na gagamba, mga malapit ng maging mansyon na bahay ng gagamba at marami pang kapahamakan. HAHAHA. Nakakatuwa dahil sa aking palagay ay natanggal naman namin ang mga nagbobonggahang kalat sa bahay bago mag Pasko :)


Huwebes, Disyembre 19, 2013

Maligayang Pasko III-DIAMOND :)

Disyembre 19, 2013
 Isang nakakaExcite na araw na may halong lungkot din. Maaga akong gumising dahil Christmas Party namin ngayon. Salamat Lord dahil may blessings ako. Salamat sa damit. Kasi hindi naman lahat ng estudyante ay may bagong isususot diba? :) Sa aga kong nagising at Officer pa man din ako, as Usual, Late padin. MC nanaman ako? Pambihira. mabuti nalang hindi sila nagasasawa sa pagmumuhkha ko. Haha :) Sinimulan namin ang aming programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Jahaziel. At nagbigay naman ng kanilang speech ang aming President at ang aming Adviser na hanggang sa Party ba naman ay may Paper Works padin? Hehe. Marami kaming mga palarong inihanda. Ilan na lamang dito ang Calamansi na nasa Noo Relay, Ang walang kamatanyang Apple eating contest, Face dance, Stop dance, Harina, Cookies, at Marami pang iba. Masaya ang aming pagsasalu-salo ng aming mga munting dalang handa. Ang DECEMBER 19, 2013 ay hindi na babalik. Kung bumalik man, 2014 na. Kaya sinabi ko sa mga kamag-aral ko na mag-enjoy sila sa araw na ito. Salamat Lord dahil nakikita kong masaya silang lahat. Ayun. Natapos na ang party. Nakalulungkot dahil bakasyon na. Mamimiss ko ang aking mga Bestfriends :( Pero ok lang. Mga dalawang linggo lang naman kaming hindi magkikita. Isasama ko sila sa aking mga panalangin na maging masaya at ligtas ang kanilang mga Pasko at Bagong taon kasama ang kanilang pamilya at mga Mahal sa Buhay. :)


Awit ! LaLaLa

Disyembre 18, 2013
 Ngayon ay umawit ang ilan sa aking mga kamag-aral. Karagdagan itong puntos sa aming ginawa kahapon. Nanood ang aming Adviser na si Mrs. Mary Ann. :) Pagkatapos naming magtanghal ay sinabi na ni Gng. Mixto ang resulta ng aming ginawa kahapon. Nakakatuwa dahil mataas ang nakuha na marka ng aming Pangkat. :)

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

May mga itinatagong talento din naman pala ang mga kaklase kong toh :P

Disyembre 17, 2013
 Isang nakakatamad na araw . Sorry Lord . Haha :) Eh pano ba naman kase , Sabik na ako sa Christmas Vacation. Pero joke lang yun. :D Naiinis ako sa sarili ko dahil parang lutang ako ngayong araw. Di ko mawari kung bakit. Ngayong araw ko lang din nabalitaan na ngayon na pala kami magppresent sa Filipino. Emeygeeed ! Hindi ako handa . Erin, iProject mo lang yan ! Aura . Aura . Haha :) At ayun nga . Mabuti naman at maganda ang kinalabasan ng saglit naming pag-eensayo. Masaya ako dahil damang dama na ang kapaskuhan sa aming silid. Kagulat gulat rin dahil may baon pang tagahusga si Gng. Mixto para sa aming presentasyon. Haha :) Mabuti na lamang at magagaling lahat ng nagpresent. Salamat Lord . Ang hirap pala magkakita ng Grade . Kailangan buwis buhay ng bonggang bongga. Yun lang :) Ang daldal ko na ..

Lunes, Disyembre 16, 2013

Maligayang pagdating sa Antipolo City Jail

Disyembre 16, 2013
 Ngayong araw na ito, excuse kami. Kasama ko ang iba kong mga kamag-aral na magpapakita ng presentasyon para sa pagbisita namin sa City Jail sa Antipolo. Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman ko ngayon. hindi ko alam kung bakit. Hahaha :D Ako ay MC sa aming programa para sa araw na ito. Nakakatuwa dahil mainit ang pagsalubog sa amin ng mga preso sa Antipolo City jail. Katulong ko sa pag Mmc si Kuya Arcie, isa din sa mga inmate dito. Natuwa ako sa mensaheng ibinigay niya na halos mangiyak ngiyak na ang kanyang mga mata. Sabi niya na ang kulungang iyon ay dating kinatatakutan ng mga tao. Laging magulo, hindi maganda ang pamamalakad sa kulungang iyon. Ngunit batay narin sa aking napansin, malaking pagbabago na ang nangyari dito . Nakikita ko sa mga Preso ang kapayapaan at maayos ang sistema ng pamamalakad dito. Sa aming mga munting tulong sa mga preso ay malaking mg ngiti ang aming nakita sa kanila. Nagkaroon daw sila ng Pag-asa ng dumating kami at halos maging emosyonal pa ang iba. Nagpakita din ang mga talentadong mga inmates ng kanilang mga natatanging bilang at nakatutuwa silang panoorin Nagbigay ng pangwakas na pananalita ang aming punongguro at siya rin ay naghandog ng isang awitin at siya at siya ay gumamit pa ng gitara. Nabigyan din kami ng pagkakataon na makipagusao sa mga inmate at magtanong sa kanilang buhay. Nakakatuwa dahil sila ay masayang nagbabahagi ng kanilang mga naranasan. Sa likod ng mga rehas na iyon ay ang lungkot na kanilang nararamdaman dahil hindi na sila dinadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Kasama ko si Arquel sa pag-iinterview sa mga inmate at pinayuhan nila kami na huwag kaming tutulad sa kanila. Marami akong narealize ngayong araw na ito. Na maigsi lang ang buhay. Hindi lahat permanente. Kaya gugulin natin ang ating panahon sa paggawa ng mabuti at sa pagtulong sa ating kapwa. Lahat ng mga guro at magaaral na aming kasama ay masayang umuwi at may iba't ibang kwento ng mga karanasan para sa araw na ito . ;)


Maging mapagpasalamat sa Lahat ng bagay :)

Disyembre 15, 2013
 Linggo na naman :) Para sa akin ay isang espesyal na araw. Sinimulan ko ang aking araw sa isang panalangin dahil ito ay mahalaga. Pumunta na ako sa simbahan at nagturo sa mga bata :) Pagkatapos niyon ay nagkaroon kami ng practice para sa Praise&Worship. Marami akong natutunan sa Sermon ng Pastor namin ngayon. Isa na dito ay huwag maging Immature na Cristiano. Sa aming testimony, nakalulungkot dahil patay na ang lola ng aming Pastor. Ngunit nananatili parin siyang malakas dahil alam niyang ang kanyang lola ay nasa piling na ng Diyos. Pagkatapos ng aming sunday worship ay ipinagdiwang namin ang kaarawan ng isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Siya si Mommy Jhe. 19 taong gulang na siya. Isa siya sa mga youth leader namin sa simbahan. Salamat sa Diyos sa panibago niyang buhay.

Sabado, Disyembre 14, 2013

Damang dama ko na ang Paskooooo :) Hohohoho :D

Disyembre 14, 2013 (Sabado)
 Isang mapagpalang araw na naman :) Gumising ako ng maaga upang gawin ko ang proyekto ko sa Values dahil paniguradong hindi ko na naman ito maasikaso. Hindi ko inaasahan na ang aking bestfriend na si Monica ay pupunta sa bahay. Habang nagchichismisan kami, ay sige ang linis ko ng bahay para multi-tasking ang galawan :D Hahaha. Pagkatapos nun, naligo na ako. Dahil Christmas party ng aming mga Children sa simbahan. Nakakaexcite naman :) Nakakatuwa dahil sa aking pagdating ay ang masayang pagsalubong ng mga bata at ang tawag nila sa akin ng Teacher Erin. Nakakataba naman sa Puso <3 Uhhh. Nakalimutan ko at ako pala ang Master of Ceremony ngayon. Haha. Napakaraming bata ang pumunta ngayon . Sila ang aming mga estudyante sa Josefina at Kamias II. Kasama rin ng iba ang kanilang mga magulang. Umawit myna at nanalangin ang mga bata bago ang mga palaro. Lahat ay aktibong sumali sa Mga Relay, Bible infomation Contest, Putukan ng lobo at marami pang iba. Pagkatapos niyo ay binigyan na namin sila ng pagkain at Give aways :) Nakaktuwa dahil nakapagdulot kami ng ksaiyahan sa mga batang ito sa munting paraan.


Pagkatapos ko na ummatend sa party ay dumiretso ako sa Francisville. Christmas party din kasi namin sa YWAM o Youth with A Mission. Kahit pagod, ok lang din dahil nais kong makahabol sa aming party. Hahaha. Late na kami ni Jahaziel ng Isang oras. Pagdating namin sa venue, Nagppray na sila. Mabuti naman ay umabot pa. Ayun ! pagkatapos ay nagkaroon kami ng Picture kami sa aming mga leaders na Missionaries. At pagkatapos niyo ay nagkainan kami. Binigyan din kami ni Ate Juliet ng Journal notebook at Ballpen upang isulat namin dun ang mga natututunan namin sa tuwing binabasa namin ang bibliya. Nakakatuwa dahil mahilig akong magsulat at magbasa. Lahat kami ay masaya ngayong araw :D Salamat Lord :)


Kala nyo tapos na nuh ? Hahha . Ang damimg nangyari sa araw na ito. Hindi nga ako busy diba ? hahhah. Salamat naman at nakauwi nadin ng bahay. Natutuwa ako sa bagong tutang ibinigay sa amin. Ang taba at mukhang maamo ang mukha. Nakakapawi ng pagod. Ibinigay si Ern sa amin kahapon. Ern ang pangalan niya. Oh diba? Parang ERIN Lang. pero tinanggal yung letrang "I". kaya Ern Hahaha. :) Selfie muna kami Ang cute nya kasi . Oh ayan na :)


Bagama't pagod. Salamat kay Lord dahil siya yung nagbibigay sa akin ng lakas araw- araw. Ako'y mapalad dahil isa ako sa mga kabataang nakararanas ng kabutihan niya sa Araw-araw. Ayun Lang ! Ang daldal kooooo :))))

Biyernes, Disyembre 13, 2013

Tagumpay kasama si Nanay at Tatay :)

Disyembre 13, 2013
 Isang panibagong araw na naman :) Oras na ng Filipino . Isa sa mga paborito kong asignatura. Dahil na rin siguro sa aming kwelang guro na si Gng. Mixto. Pinagdala niya kami ng makulay na papel. Bakit Kaya ? Hahhaha. Magsusulat kami ngayon ng aming pagsasabuhay sa akdang "Kinagisnang balon ni Cristobal Cruz." Ang aming paksa ay kung ano ang gagawin namin upang kami'y makapagtatapos ng pag-aaral. Paano nga ba? Mukhang masyadong madrama ang aking naisulat sa aking makulay na papel. Pero sa tingin ko'y tama naman :D Haha. Dapat sundin ang mga magulang at magkaroon ng takot sa Diyos palagi. Dahil kung nasa pamantayan ko iyon, Hindi ako malilihis ng landas. Magiging simula ako ng pagbabago sa ating bansa at makatutulong pa ako hindi lamang sa aking pamilya kundi sa ibang tao na rin. :)) Ayun lang . at masyado ata ang exposure ko ngayon dahil ang daming naghahanap sa akin Kaliwa't kanan. Huweee ? Sikat? ganun ? hahhaha :) Bagama't abala, Keri naman at masaya parin at nagawa ko parin ang pinapasulat ni Gng. Mixto. Yun ang maghalaga . LALALALALA :D

Huwebes, Disyembre 12, 2013

Sundin mo si nanay, sundin mo si tatay .. LALALLALA :)

Disyembre 12, 2013
 Ngayon ay ipinagpatuloy namin ang di natapos na pangkatang gawain kahapon. Tinalakay namin ang teorya ng akda. Ito ay teoryang dekonstruksyon. Nalaman namin ang tunay na kahulugan ng akda dahil sa teorya nito.Natutunan namin na dapat sumunod sa mga magulang at huwag madaliin ang lahat ng bagay .

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Hohoho :) Disyembre na ho :D

Disyembre 6, 2013
 Ngayong natapos na naming pag-aralan ang akdang "Banyaga ni Liwayway Arceo", nagkaroon kami ng sulatin. Para sa mga babae, Isusulat namin ang mga bagay na dapat naming gawin uapang makapagtapos kami ng aming pag-aaral . at para naman sa mga lalaki,  isusulat nila ang mga bagay na gagawin nila upang bigyan ng galang at respeto ang mga kababaihan.

Disyembre 7, 2013 (Sabado)
 Ngayon ay masaya ako dahil sa desisyong nagawa ko. Gusto ko talang sumama sa overnight Camping/ Leadership training kagabi. Ngunit naisip ko na kulang sa mga teachers sa aming simbahan ngayon. Walang magtuturo sa mga bata. Kaya napakasarap sa pakiramdam dahil maraming bata ang pumunta ngayon at excited sila na matututo para sa araw na ito. Nakakataba sa pusong tatawagibn ka nilang "Teacher Erin" at magmamano pa sila sa'yo bago sila umuwi. Matapos iyon, Naglagay kami ng mga Christmas decoratin sa aming simbahan. Msaya ako ngayon dahil nakakagawa ako ng makakabuluhang bagay :)))

Disyembre 8, 2013 (Linggo)
 Salamat Lord sa panibagong araw ! Haaayyyy :) Ngayon ay aking araw ng pagbibigay papuri sa Panginoon. Nakakalungkot lang dahil hindi ko kasama ang aking mga magulang sa pagsisimba. ang lagi kong panalangin na sana, Balang araw, sa bakanteng upuang ito , Dito uupo si Mama, si Daddy at ang Lola ko. hindi ako Nawawalan ng pag-asa na balang araw makakasama ko rin sila :) Nakakayuwa dahil unang beses kong tutugtog ng keyboard ngayon sa aming simbahan. Nakatutuwang isipin na ang talentong ibinigay sa aking ay ibinabalik ko sa Diyos :)

Disyembre 9, 2013
 Lunes na naman ! :) Hahaha. Nakapagtataka at wala si Gng. Mixto ngayon . Hindi buo ang araw ng III-Diamond dahil walang laughing moments. Haha :D Ngayon, si G. Mixto ang nagbantay sa amin at nagpaskil siya ng gawain. Ito ay tingkol na sa aming Huling akdang tatalakayin. Ang "Kinagisnang balon."

Disyembre 10, 2013
 Bakit ang duga? Kung kelan Filipino na tska mag-uuwian? Hahah. ayan tuloy, Umuwi na kami dahil shorten period lang daw. Hindi umabot ang oras para mataps namin ang Filipino subject . -.- Bat Ganun ? :D

Disyembre 11, 2013
 Ayun . balik sa dating oras! Mabuti naman . Nagkaroon ng pag-uualat ang pangkat dalawa tungkol sa akdang "Kinagisnang balon ni Cristobal Cruz." Matapos iyon, nagpaskil sa Gng. Mixto ng ilang mga larawang kaugnay sa akda. Matapos iyon ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ngunit dahil kulang sa Oras, ipagpapatuloy na lamang namin ito bukas :)

Huwebes, Disyembre 5, 2013

Nalate na po ng Post . :) Sorrrrry :3

Disyembre 4, 2013
 Ngayong araw na ito ay tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akda. Matapos ng mahabang talakayan ukol dito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ngunit ito ay aming ipapakita bukas pa dahil kulang na ang oras.

Disyembre 5, 2013
 Ngayon ay ipinakita namin ang iba't-ibang paraan ng aming pag-uulat. Ang bawat grupo ay inatasan sa ibang gawain. Naging maayos naman ang pag-uulat ng bawat pangkat kaya ibinigay ng aming guro ang karampatang puntos. Ngayon ay mas ipinaliwanag pa ng aming guro ang akdang "Banyaga". 

Martes, Disyembre 3, 2013

Hindi naman ako nagpapatawa.. Bakit masayang masaya kayo ? XD

Disyembre 4, 2013
 Ngayon ay ibinalik sa amin ang aming mga Portfolio sa Filipino. Muli naming tinignan ang ipinagawa ni Gng. Mixto sa amin kahapon. Binigyang kahulugan namin ang mga salitang may inuulit na pantig sa mga bahagi ng akda. Sa aming pagbibigay kahulugan nito, marami sa amin ang sobrang saya at tawa ng tawa dahil nagpapatawa ang aming guro ngunit sabi niya'y hindi naman siya nagpapatawa. sadyang masaya lang talaga kami :) Matapos ng mahabang tawanan ay nalaman din namin na ang teorya nito ay teoryang Feminismo. bukas ay malalaman namin kung bakit ito ang teorya nito. Binigyan din kami ng aming guro ng takdang aralin na Gumupit ng larawan ng mga babaeng nagtagumpay. 

Linggo, Disyembre 1, 2013

Hindi ako marunong magEnglish.. Actually :)

Disyembre 2, 2013
 Ngayon ay ang umpisa ng ikaanim na aralin. "Banyaga ni Liwayway Arceo". Bago namin umpisahan ang talakayan ay nagpaskil muna ang aming guro ng iba't ibang larawan ng mga personalidad. Kinilala namin sila isa isa at sinabi ang kanilang mga katangian. Binasa ng aking kamag-aral na si Provido ang akda at naghanda ng mga katanungan si Ma'am. Naitanong niya rin sa amin kung paano nagiging dayuhan sa sariling bayan ang mga Pilipino. Ang aming paksa ay bahgyang naiba dahil sa ang ingay ng aming klasegawa ng nagkkwentuhan ang iba. Dahil ito sa tanong ni Gng. Mixto tungkol sa mga Korean at ang mga kabataan sa ngayon ay hindi na kilala masyado ang wikang Filipino at mas madalas ng ginagamit ang wikang Ingles. Kung kaya nasabi rin ni Gng. Mixto ang "Hindi ako marunong magEnglish.. Actually :)"

Huwebes, Nobyembre 28, 2013

November 22, 2013

Nobyembre 22, 2013
  Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pagbabahagi sa aming mga tan\kdang aralin. Kami ay gumawa ng islogan tungkol sa akdang "Tata Selo". At ngayon ay ang pagtatapos namin para sa ikalimang aralin.

Nobyembre 25, 2013
 Ngayon ay nagkaroon ng pag-uulat ang unang pangkat tungkol sa aming ikaanim na aralin. Ito ay ang "Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar." 

Nobyembre 26, 2013
 Ngayon ay pinagaralan namin ang iba't ibang tauhan sa akdang "Sinag sa Karimlan" at tinukoy din namin kung saan sialng lugar nanggaling at kung ano ang kanilang mga kaugalian. Matapos iyon, ay pinagaralan namin ang mga ants ng wika.

Nobyembre 27, 2013
 Ngayon ay  sinuri nain ang nilalaman ng akda at ano ang kaisipang nais ipabatid nito.

Nobyembre 28, 2013
 Ngayon ay tinukoy namin kung anong uri ng dula ang "Sinag sa karimlan". Pagkatapos niyo ay nagkaroon kami ng pangktang gawain.

Nobyembre 29, 2013
 Ngayong araw na ito ay wala si Gng. Mixto kung kaya si G. Mizto ang nagbantay sa amin. Kami ay nagsulat ng aming repleksyon tungkol sa mga nagustuhan at mga hindi namin nagustuhan g bahagi ng akda. Pagkatapos, ay isinulat namin ang bisang pandamdamin at bisang pangkaisipan ng akda.

Linggo, Nobyembre 24, 2013

Nobyembre 21, 2013

Nobyembre 21, 2013
 Ngayon ay tinalakay namin ang teorya ng akdang Tata Selo. Ito ay ang teoryang dekonstruksyon. Binigyan ng kaliwanagan kung bakit ito ang teorya nito.

Nobyembre 22, 2013
 Ngayon ay nakgaroon kami ng aming pagbabahagi sa aming takdang aralin na kung saan ay gagawa kami ng Slogan. At sa huling bahagi ay tinapos na main ang akdang Tata Selo at lahat ay nabigyang linaw na .

Aralin#6
 
Nobyembre 25, 2013
 Ngayon ay simula ng ikaanim na aralin. Ang unang pangkat ang siyang naatasang magulat ng lahat tungkol sa dulang "Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar".

SINAG SA KARIMLAN


(Dula)
ni Dionisio S. Salazar
(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan…
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas angimong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himignagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng akingkapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan Ang binigkas mong tula’y –
Tony Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming Hanong pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’tmatalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan Si Balagtas, iho, ang “Sisme ng Panginay”
Doming Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.
Bok A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit.
Tony Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gatimpala. May –
Ernan ‘ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi.
Tony Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony Padre, ke bui-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw silang anak.
Ernan (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony Padre, possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naamn ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong Tatay!
P. Abena Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?
Tony Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat Adyos, Padre.
Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…
Ernan Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman)
Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa.
Tony Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.)
Tanod (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod Miron kang bisita, adding.
Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay n’yo sir?
Tanod Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.
Doming Kuwarentay singko.
Tony Papuna na ba rito, sir?
Tanod Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming Baka naman hisang kamaghanak.
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. Nagyo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)