Mga Pahina

Miyerkules, Enero 29, 2014

Walang Himala ! Wala akong Tula !

Enero 29, 2014
 Ngayon ay yinalakay nmin ang teoryang sosyolohikal. Ito ay tumutukoy sa behavior ng isang tao. Nalaman namin ang siyam na uri nito at kung saan kami nabibilang sa mga katangiang ito. Matapos naming matalakay ang mga iyon ay hindi nakalimutan ni Gng. Mixto ang pagbunot ng mga pangalan ng magbabasa ng kaniyang gawang tula o sanaysay. At ayunnnnn -___- ! Ako yung nabunot. Haha. Malas wala pa kong gawa Nabawasn tuloy ako ng limang puntos. ayun lang 1 Nagkaroon din kaming gawain ngunit hindi namin ito natapos kaya takdang aralin nalang.

Martes, Enero 28, 2014

May Himala nga ba ?

Enero 28, 2014
 Ngayong araw na ito bago namin simulan ang talakayan sa Filipino ay ibinahagi muna ng aking kamag-aral sa klase ang kanyang nabuong tula. Matapos iyon ay dumako na kami sa aming talakayan kung saan ay inisa-isa namin ang mga pangyayari sa buhay ni Elsa bago pa lamang siya manggamot. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain kung saan sinuri namin ang nilalaman nito.

Lunes, Enero 27, 2014

Walang himala !

Enero 27, 2014
 Wala talagang himala. Haha. Hindi kasi ako nakapakinig sa aming talakayan ngayon. Lagot na naman ako nito kay Mam :) Mabuti naman at kalahati lang ng subject ang nasayang namin ni Jason at saglit lang natapos na kami sa pangongolekta ng abuloy para sa namatay na ina ng aming kamag-aral. Trabaho eh. Haha :)

Linggo, Enero 26, 2014

Epic fail :P

Enero 26, 2014
 Ngayong araw na ito ay syempre Linggo :) Si Lord muna bago ang lahat. Sinimulan ko ang araw na ito kasama ang aking devotion notebook, bible at ang aking mahiwagang ballpen <3 Maraming pinagdaanan ang aming simbahan na problema ngayon kaya puspusang prayer din kami eh. But still mabuti ang Panginoon sa lahat. Matapo ang aming Sunday service ay inayos namin ulit yung computer namin kaso ayun Epic fail sira ata yung hardware kaya next na Linggo ulit mapapaayos ^.^

Ang saya ^^

Enero 25, 2014
 Yahooow ! Kuhaan na ng kard namin. Medyo excited na kinakabahan :) Thakyou kay Lord dahil lahat ng grades ko tumaas <3 Nakakagulat nga kasi dati 84 lang ako sa Filipino ngayon 90 na <3 Anyareee ? XD Pati Math ko na dating 78 ngayon 82 na :) Aynako maging line of 8 lang ako sa Math ay laking tuwa ko na. HAHA kasi mahina talaga ako sa Math inaamin ko :) Pero ok lang naman. mahilig naman ako sa English at Filipino <3 HUEHUE. Salamat talaga Lord kasi nabasa nadin ni mama yung mga letters kong ginawa. Salamat Ma'am Mixto.

Ang saya :D

Enero 24,2014
 Ngayon ay nagkaroon kami ng isang gawain kung saan ay nagsulat kami sa aming makulay na papel na may kaugnayan sa akda na aming binasa. Pagkatapos ng aming klase ay pumunta ang aking mga mahal na bestfriends sa bahay. :) Kumain at nagkeyboard kami nina Nablo, Nantiza, Vangie, Madelyn, Jahaziel, at Judy Ann :) Medyo gabi na din sila umuwi. Hehe. Sabagay. Weekend naman na bukas :)

Huwebes, Enero 23, 2014

Ah-Eh-Ih-Oh-Uh

Enero 23, 2014
 Napakasayang araw na naman :D Di ko mawari kung bakit ang ligalig ko pag Filipino. HAHA. Nagayon ay tinalakay namin ang banghay ng akdang "Ang Kalupi". Bawat pangkat ay inaasahang masagutanm ang mga ipinsakil na gawain ni Gng. Mixto. Ang pinakamasayang bahagi ay ang pag-uulat namin. Ang dami kong tawa sa mga nag-ulat. Mga lima. HAHAHAHAHA. Bukas ay tatalakayin naman namin ang iba pang impormasyon sa akda at ang teoryang nakapaloob dito :)

Miyerkules, Enero 22, 2014

Tawa -- HAHA ^^

Enero 22, 2014
 Ngayong araw ay nagkaroon kami ng pag-uulat ukol sa akdang " Ang kalupi", Binigyan kami ng dalawang minuto ni Gng. Mixto upang pag-usapan ang aming iuulat. Matapos ng pag-uulat, mas naunawaan pa namin ang akdang ito dahil nalaman namin ang kahulugan ng mga matatalinhagang pahayag na nasambit sa akda. Napag-aralan din namin ang "Banghay". Ang aming takdang Aralin ay isulat sa kwaderno ang banghay ng akda at ipapakita namin ito bukas :))

Martes, Enero 21, 2014

P-a-o-s P-O :)

Enero 21, 2014
  Waaah :) Mabuti nakabot ako sa Filipino. May pinagawa pa kasi sakin si Mrs. Rhoda. "Ang Kalupi ni Benjamin Pascual" na ang aming aralin ngayon. Ako ang tagapagsalaysay, si Techon si Aling Marta, Requiz bilang pulis at si Onanad bilang Andres. Kami ang nagpakita ng mga pangyayari s Akda :) Tama nga talaga ang kasabihng " Huwag mong husgahan ang aklat sa pabalat nito". Bukas ay ipagppatuloy namin ang talakyan sa akdang ito. :)

Lunes, Enero 20, 2014

Baka Late na po hane ? :)

Enero 16,2014 Huwebes
 Ngayong araw na ito ay sumulat kami ng liham para sa mga mahal naming mga magulang. Ngunit ang mga sulat na ito ay mas patyungkol sa mga nanay. Isinulat namin ato sa makulay na papel. Salamat din kay Gng. Mixto dahil isa sa mga bagay na maari mong sabihin ang iyong mga saloobin ay sa pamamagitan ng pagsulat. Nawa ang sulat kong iyon ay mabasa ng aking mama. <3

Enero 17, 2014 Biyernes
 Ow bakitttt ? Hindi masaya wala kasi si Mam :( Pero ok lang din. nandito naman si Sir Bully este si sir Laurence na nagbantay sa amin. Bagamat wala si Gng. Mixto ay may iniwan siyang gawain para sa amin. Kami ay gagawa ng isang tulang pandamdamin na may sukat at tugma. Gagawa kami ng tatlong sakdon lamang at paungkol sa iisang damdamin lamang. Isusulat namin ito sa makulay na papel :)))

Enero 18, 2014 Sabado
 Mabuhay at Weekend na naman ! YEAH XD Ngayon ay nakatoka ako sa paglilinis ng bahay namin. Kutob kutob din pag may time diba ? Baka mamaya  palayasin nalang ako samin sa katamaran ko :) Kaya ayun naglinis ako :)) Wala kaming children ministry ngayon kaya mamayang gabi pa ako gogora sa church. hahha :) Hindi ko inaasahan ang pagbisita ng dalawa kong matalik na kaibigang sina Arquel at Nablo. HAHA. Anong problema ng dalawang toh ? Kaya ayun, baka gutom lang kaya kain kain din sila pag may time at kwentuhan na din :) Pagkatapos nun, umuwi na din sila at dumiretso na ako sa aming church paar magpraktis para sa aming Praise and worship bukas :D at nagkaroon din kami ng bible study kasama ang aming pastor.

Enero 19, 2014 Linggo
 EXCITED POWS :* Haha :) syempre diba ? Si Lord ba naman ang kakatagpuin ko ngayun eee :) Maaga akong nag-ayos dahil maaga ang aming children's ministry. Ako ang nagpakanta sa mga bata ngayon. ang sad naman dahil medyo paos po ako :( Haha. Tapos ayun Worship na :)) Super saya talaga pag Sunday. sana laging linggo nalang :)) Nagpresent na din kaming mga youths. Nakakatuwa tung testimony ni sir Rey Morato . Matagal din kasi namin siyang hindi nakasama sa Church dahil busy na din siguro :) Pero kasama namin siya ngayon kasi ok daw ang mga kaganapan sa Brgy. Mambugan <3 Tapos ayon. Tapos na yung service then nagturo naman ako sa aking mga kapatid ng instruments :) Nahihilo ako kasi diko alam kung ano ituturo ko eh. Lahat gusto matutunan . hahha Pero Drums muna kami ngayon ! Pagkauwi, ininstall namin yung Computer kaso , Mukhang next week pa namin ulit mapapaayos. Medyo sad yun , :P Ayun lamang po !

Enero 20, 2014 Lunes
 HOOORAYY Kunwari :) Medyo moody na Lunes sa inyooo :3 Haha. Ngayon ay gumawa kami ng isang tulang pandamdamin na may iisang paksa kada grupo na ipapakita namin sa Sabado. Mabuti na lamang at magagaling at nakikiisa ang aking mga kagrupo at natapos kaagad kami ") Masaya ang Filipino palagi . Hahah si Mam kasee :P Joker. XD GRRRRR <3 ANg aming takdang aralin ay magkaroon ng kopya ng akdang "Ang Kalupi"
 Natatawa ako kay Brite. Nagtatampo siya dahil di ko sa kanya ibinigay yung Drumsticks Haha :) Kay Gibson ko kasi naibigay kasi alam kong gagamitin niya yun sa Church nila pag tumugtog siya para kay Lord :) Kaya ayun. Pinamana ko na yung drumsticks ko . Sad :( HAHA.;)

Miyerkules, Enero 15, 2014

Da best si Nanay

Enero 15, 2014
 Ngayon ay showing na ang Bride for Rent. Pero wala namang kinalaman yun sa Blog ko :)) Hahah. ang saya naman ng araw na ito. May paawit-awit pa kami bawat pangkat. HAHA. Ayun, panalo ang pangkat dalawa sa gawain namin ngayon. Karamihan sa aming mga awit na napili ay ang "Sa Ugoy Ng Duyan" Kung kaya't ito ay ikinumpara namin sa tulang Pamana. Higit naming naunawaan ang kahalagahan ng tulang ito. Nagkaroon kami ng pangkatang gawain upang mas lubos pa naming mapalawig ang kahulugan nito.

Martes, Enero 14, 2014

IKAAPAT NA MARKAHAN NA PO !

Enero 13, 2013
 Haynako. Eto na toh, Fourth grading na . HAHA. Bakit kaya wala ngayon si Ma'am? Wala tuloy joker ngayon. Pero ok lang may gawain kami ngayon. amg ganda ng tulang Pamana. Ngayon ay binigyang kahulugan namin bawat saknong nito. Bukas ay mas malalaman pa namin ang kahulugan ng Pamana.

Enero 14, 2014
 Huhu :( Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi ako makakapasok sa Filipino ngayon . Sorry Ma'am :) Nangolekta kasi kami ng abuloy para sa namatayan naming kamag-aral. Nung nasalubong ko si Gng. Mixto ay malamang ! Yuko din. Hahah :) Wala kang ibang alam gawin kundi mangolekta ! -- Mrs. Mixto <3 Ang Sweet ni Ma'am Haha.

Hala Erin ! Ge -- Late ka na haha

Enero 7, 2013
 Ngayon ay Tinalakay namin ng bahagya ang nobelang Noli Me Tangere dahil kasama ito sa aming Ikatlong markahang pagsusulit sa Huwebes. Binigyan kami ng takdang aralin ni Gng. Mixto patungkol dito. Hahanapin namin ang kahuluhgan ng Ironiya, Mga uri ng tunggalian at simbolismo.

Enero 8, 2013
 Ngayon ay binigyang kahulugan namin ang aming takdang aralin nalaman namin ang kaugnayan nito sa Noli Me Tangere. Nagkaroon din kami ng pagbabalik aral sa aming mga Tinalakay naming mga aralin ng buong ikatlong markahan.

Enero 9, 2014
 Nagyon ay ang unang araw ng aming ikatlong markahang pagsusulit. MAPEH, Filipino, English at TLE ang sinagutan namin nagyon. Nakakaloka. Akala ko ay madali lang ang Filipino. ang hirap din pala. *.*

Enero 10, 2014
 Ngayon ang ikalawang araw ng aming pagsusulit. Math, Science, Values at AP ngayon . Talagang mahihirap na asignatura na mababaliw ka kakaisip. HAHA :)

Lunes, Enero 6, 2014

Ang aming unang araw :)

Enero 6, 2014
  Hay nako ! Pasukan na naman :) Balik sa dating gawi ang III-Diamond. Sa oras ng Filipino kami ay nagkaroon ng kaunting pagbabahagi sa mga nagyari sa aming bakasyon. Upang mas maibahagi pa namin ito kami ay gumawa sa isang buong papel ng isang sanaysay. Inilahad namin dito ang aming mga repleksyon noong nakaraang taon. at ang mga pagbabagong aming gagawin ngayong taon.

Biyernes, Enero 3, 2014

Disperas ng Bagong Taon kasama ang pamilya

Disyembre 31,2013
 Isa sa napakasayang araw para sa akin ang December 31, 2013. Paalam na sa 2013. Kay bilis nga naman ng panahon hindi ba? Parang kahapon 2012 lang. Bakit nga ba masaya ako ngayon?

 Ang aming pamilya ang maagang nagising dahil pupunta kami ngayon sa Montalban. Doon kasi nakatira ang aking Tito. Doon kami madiriwang ng bagong taon.Yung tito ko, Hindi naman talaga kami magkadugo nun. Kasi, kapatid siya ng stepfather ko. Ngunit salamat Lord dahil hindi ko man kasama tunay kong tatay, Pinalitan ni Lord yun ng panibagong pamilya ay mas dun ko nahanap yung kahulugan ng pamilya. Sa aming pagsalubong ng panibagong taon, sabay sabay kaming nagcountdown at pagtapos niyon ay hinipan naming magpipinsan ang aming mga torotot. :D totorotottottooooot ! Haha. Matapos naming panoorin ang mga Fireworks ay sabay-sabay kaming nagsalu-salo. Hindi man kami sama samang nanalangin, kinausap ko ang Diyos na sana'y patnubayan kami buong taon at sana ay makilala din siya ng aking pamilya. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang dulot sa akin nga araw na ito. Marahil ito ay magandang panimula para sa bagong taon namin.    




Larawan namin habang naghihintay na mag alas dose :)