Ngayon ay tinalakay naming muli ang teoryang nakapaloob sa akdang "Mabangis na Lungsod". Mas binigyang kahulugan namin ito kung bakit ito ang teorya ng akda. Nagkaroon kami ng pangkatang paguulat sa iba't ibang sitwaston sa akda na siyang bibigyan ng kasagutan. Hindi namin natapos ang paguulat ngayong araw kung kaya't itutuloy na lamang namin ito sa Lunes. Binigyan kami ng takdang aralin ni Gng. Mixto na kung saan aming aalamin ang Mga karapatang pambata o Children's Rights.
Takdang Aralin : MGA KARAPATANG PAMBATA
Ayon sa UNICEF ang mga karapatang pambata ay ang sumusunod:
1.*Karapatan na maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyunalidad;
2.*Karapatan na maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga;
3.*Karapatan na mabigyan ng sapat na edukasyon;*
4.*Karapatan na mapaunlad ang kasanayan;
5.*Karapan na magkaroon ng sapat na pagkain at tirahan at may malusog at aktibong katawan;
6.*Karapatan na matutuhan ang mabuting asal at kaugalian;
7.*Karapatan na mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang;
8.*Karapatan na mabigyan ng proteksiyon laban sa pagsasamantala, panganib at karahasang bunga ng mga paglalaban;
9.*Karapatan na manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan;
10.*Karapatan na maipagtanggol at matulungan ang pamahalaan; at
11.*Karapatan na makapagpahayag ng sariling pananaw

Nobyembre 18, 2013
Ngayon ay ipinagpatuloy namin ang paguulat na hindi natapos noong nakaraang Biyernes. Matapos ng paguulat ay tinalakay namin ang mga karapatang pambata. Maging ang mga karapatang ipinagkait kay Adong sa akdang "Mabangis na Lungsod". Kami ay sumulat sa papel ng mga karapatang naipagkait din sa amin para sa aming gawain para sa araw na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento