Rebyu
Suring pampelikula
pagpag
siyam na buhay
“Dapat
nagpagpag ka ! Baka masundan ka ng patay dito”. Kadalasang linya ng mga
matatanda dahil sa paniniwala nila sa mga pamahiin. Karamihan sa mga pamahiin
ay patungkol sa mga pumanaw nang mga nilalang. Naniniwalang bawal suwayin ang
mga sumusunod : Ilan na lamang sa mga ito ay bawal magsalamin habang nasa
burol, Bawal mag-uwi ng pagkaing mula sa burol, Bawal patakan ng luha ang kabaong
ng namatay, bawal kumuha ng pera mula sa mga nag-abuloy sa patay. Mula sa panulat at direksiyon ni Frasco S.
Mortiz, Muli niyang binuhay ang aking imahinasyon sa mga bagay na ito. Nakasuot
ng pulang damit si Empress sa kanyang pagpunta sa burol ng kanyang pumanaw na
boyfriend na si Enchong. Sumiklab ang galit ng mga magulang ni Enchong sa
kanyang pagdalaw dahil sa paniniwalang siya ang dahilan ng pagkamatay ng
kanilang kaisa-isang anak. Napansin din nila ang kasuotan nitong pulang damit
na ikinagalit pa nila ng husto. Bawal magsuot ng kulay pula habang ikaw ay
nagluluksa pa kung kaya’t siya’y
pinalayas mula sa burol. Sa kanyang pag-uwi, may naramdaman siyang kakaiba na
tila siya ay may kasama kahit wala naman. Hindi niya alam ay nasundan na pala
siya ng kanyang pumanaw na Boyfriend dahil hindi siya nagpagpag. Nakita niya na
lamang ang boyfriend niya na nagpatiwakal na iyon pala ang dahilan ng
pagkamatay nito. Kailangan mo munang pumunta sa ibang lugar upang hindi ka
masundan ng patay. Ito ang pagpag. Maganda ang nakakasindak na mga pangyayari
sa palabas na ito. Lubos pang tumaas ang mga nakasisindak na bahagi sa pagpasok
ng mga karakter nina : Leny (Kathryn
Bernardo)- Katulong ng kanyang Tsong sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo,
Funeral Service. Kung saan sila ng kanyang Tsong ang nageembalsamo,
magmamake-up ng patay at sila na din ang bahala sa pagseset-up ng mga kagamitan
para sa burol. Naging mas kapanapanabik ang pelikula sa pagpasok ni Cedrick
(Daniel Padilla) at ang kanyang mga kaibigang sina Hannah (Michelle Vito)
Ashley (Miles Ocampo) Justin (CJ Navato) at Rico (Dominic Roque). Sila ang mga
sumuway sa mga pamahiin sa kanilang aksidenteng pagdalaw sa burol ng asawa ni Lucy (Shaina Magdayao) na si Roman (Paulo Avelino).
Hindi sila pamilyar sa mga pamahiin ng mga nakatatanda . Lubos na nagalit si Eva (Matet De Leon) ang nakatatandang kapatid ni Shaina dahil napakaraming sinuway ng
magkakaibigang ito. Ang mga ginawa nila ay siya ring dahilan ng pakamatay nila
dahil sa kanilang pag-uwi ay nasundan sila ng patay. Si Leny at Cedrick ang
nakalutas ng misteryo sa likod ng kababalaghang nagyayaring ito dahil ang asawa
ni Shaina ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa hangga’t hindi pa siya
nakakapatay ng siyam na tao. Lubos kong naintindihan ang daloy ng pelikulang
ito. Base rin kasi sa mga ibang mga horror films, minsan hindi ko naiintindihan
ang daloy nito. Ngunit maayos ang mensahe ng Pagpag. Nais nitong ipabatid sa
mga manonood na masamang magmahal ng labis. Gaya ni Roman at Lucy, Lubos ang kanilang pagmamahalan. Kung kaya’t nagawa pa nilang kumitil ng maraming buhay at
makipagugnayan sa mga itim na elemento upang mabuhay pa rin si Roman. Natuklasang anak pala nila si MacMac (Clarence Delgado) na inaakalang patay na sa sunog ngunit nakuha ng mga magulang ni Leny si Macmac at inalagaan. Sa huli, nanaig pa din ang katotohanan na hindi na maaring maibalik ang buhay ni Roman at dapat manahimik na ang kanyang kaluluwa. Kung Sinematograpiya ang bibigyan ng pansin,
maganda rin ang mga lugar na kanilang ginamit para sa pelikula na siyang
nagdagdag ng nakakatakot na mga pangyayari na sinabayan pa ng mga nakasisindak
na musika. Nanaig ang pag-big at paniniwala sa pagtanggap kung may nawala mang
tao sa ating buhay, dapat natin itong tanggapin at dapat manaig pa din sa atin
ang pang-unawa, pag-ibig at pag-asa.